Marian mas masahol pa sa bading

Dingdong halos hubo’t hubad sa My Beloved

SIYEMPRE, hindi pa rin tumitigil ang ilang detractors ni Marian Rivera, at ngayong may bago na naman siyang teleserye sa GMA, ang My Beloved nila ni Dingdong Dantes na magsisimula na sa darating na Lunes.

Ang pinasasabog na issue ngayon ng mga haters ni Marian – mas masahol pa raw siya sa mga bakla! Yes, kung magregalo raw kasi si Marian sa kanyang dyowang si Dingdong ay parang wala nang bukas pa, kabilang na nga diyan ang super expensive na Ducati motorcycle na gift niya kay Dingdong last Christmas.

Chika ng ilang inggitera, bakit daw ganu’n kamahal kung magbigay ng regalo si Marian e, hindi pa nga naman sila mag-asawa?

Mukhang hindi naman daw magandang tingnan sa isang babae ang nagbibigay ng ganu’n kabonggang regalo sa isang lalaki.

Nu’ng makachika namin si Marian sa presscon ng My Beloved, natawa muna siya sabay dialogue ng, “May kanya-kanyang opinyon, may kanya-kanyang idea ang mga tao. At nirerespeto  natin ‘yan.

“Kung hindi man maganda para sa kanila o maganda para sa kanila ang ginagawa ko, okay lang yun. Binibigyan ko sila ng kalayaan para sabihin kung ano ang gusto nila.

“Basta ako, ibinigay ko ‘yun dahil gusto ko, para mapaligaya ko. At lagi kong sinasabi, pera lang ‘yan, madaling kitain. Pero yung happiness na nabibigay mo sa isang taong mahal mo, walang kabayaran yun.

“At kung anuman yung love ko kay Dong, priceless yun. Kahit pagsama-samahin ko pa lahat ng ginagawa niya sa akin, yung ipinapakita niya sa akin, walang katumbas talaga.

“At alam naman ninyo ‘yan, vocal naman siya sa akin, so happy na ako du’n, relax lang. Ha-hahaha!” depensa pa ng Primetime Queen ng GMA.

Anyway, ang My Beloved ay tungkol sa isang anghel ng kamatayan (Dingdong) na susundo sa isang babaeng (Marian) nakatakda na sanang mamatay.

Pero dahil nga biglang nakaramdam ng pag-ibig ang angel of death o ang tinatawag na sundo, parurusahan siya na maging mortal.

Bukod sa exciting na kuwento, isa pa sa mga aabangan ng manonood, lalo na ng mga girls at bading ay ang super skimpy na costume ni Dingdong bilang si Arlan ang sundo, na halos kita na ang kanyang kahubaran.

“Wala nga, e. Wala akong costume. Katawan lang! Ha-hahaha!” biro ng aktor.

“Pero masaya siya dahil at least hindi ako nag-iisa dahil may mga karamay rin ako,” na ang tinutukoy ay ang iba pang gaganap na sundo  na sina Jon Hall, Fabio Ide at Jay Gonzaga.

“But seriously, ano siya, e, you wouldn’t think about that anymore dahil it’s really more of so many things.

The fact that the role, ay isang karakter na hindi mo madalas nakikita.

“To the point na iisipin mo nga kung meron ba talagang sundo.

If there’s such a thing as angels of death. So, for me, parang first time na gaganap sa Philippine TV ng ganito, so very challenging ang role,” kuwento pa ng dyowa ni Marian.

Read more...