Nakahanda na ang apartment na titirhan ni Sam na matatagpuan sa Willsburgh Street, Brooklyn at bayad na raw ito sa ilang buwang pagtira roon ng aktor.
Wala raw talagang gagastusin ang aktor maliban sa personal niyang pangangailangan, ‘yun nga lang, hindi siya basta-basta puwedeng umalis ng pad niya ng hindi nalalaman ng agency dahil nga on-call siya parati sa auditions.
Kung ganitong ginastusan na si Sam ng agency niya sa Amerika, iisa lang ang ibig sabihin, bossing Ervin, siguradong may projects na ang aktor?
Dahil hindi naman siguro susugal ng ganu’n ang representative niya kung sa tingin nila ay wala silang mapapala sa binata?
Anyway, dagdag balita pang nakuha namin mula sa kababayan nating naka-monitor kay Sam, araw-araw ay sumasalang sa audition ang aktor at sa unang sabak daw niya ay abut-abot ang kaba niya, pero nu’ng mga sumunod daw na audition ay relaxed na siya.
Tinanong namin kung anu-anong TV series ang pinag-auditionan ng aktor, pero bawal daw sabihin hangga’t hindi pa sure, pero binigyan kami ng clue.
‘Yung una raw ay family drama na nag-umpisang umere nu’ng Sept. 26, 2011, ‘yung pangalawa naman ay love-story na noon pang 1987 pa napapanood at nakailang version na, pangatlo ay mag-uumpisa pa lang ngayong 2012 bilang kapalit ng programang may superhero na namaalam na kamakailan lang.
At ‘yung pag-apat ay hindi na namin matandaan. Ha-hahaha!
Samantala, tumawag kami sa road manager ni Sam na si Caress Caballero para humingi ng iba pang impormasyon, aniya, “Ay birthmate, wala pang sinasabi si Sam sa amin, hindi rin siya tumatawag, feeling namin busy.”
Tiningnan namin ang Twitter account ni Samuel at ang huling post niya ay noong Peb. 7 pa, nakilala na raw niya ang crush niyang si Brooklyn Decker, “Just met one of my biggest crushes. The gorgeous, brooklyndeckerJ”.
At sumagot naman si Brooklyn Decker ng, “I completely bombarded your meeting! Err whoops! Nice meeting you! Na sinagot ni Sam ng, “Haha no worries… please feel free to drop in on the next meeting too 🙂 we’re neighbors btw. I grew up in Tipp City about 20 mins away from Kettering (siyudad sa Ohio, USA).
Nakakaloka itong si Samuel, ilang araw palang sa New York, may prospect na agad? Anyway, nabanggit sa amin ni Caress na,
“Sa Linggo birthmate, susunod si Erickson (Raymundo, manager ng aktor) kay Sam para malaman niya kung ano na ang development sa mga auditions niya at hayaan mo, babalitaan ka namin.”