Grace Lee mas type si Dingdong

Isang malaking gimik lang ang relasyon kay P-Noy

NAKAKABINGING sigawan ang sumalubong kay Dingdong Dantes paglabas niya sa stage para sa launching ng bago niyang cologne for Bench, ang Empower Deo-Cologne.

Tatlong beses lumabas sa bonggang stage si Dingdong.

Sa pangalawang paglabas niya ay ‘di na nagpakabog si Dingdong sa mga negseseksihang foreign male models, topless ang actor na rumampa sa stage kasunod ang pag-spray ng pinakabago niyang perfume.

Medyo nanibago ang ilan dahil matagal na rin since rumampa ng topless si Dingdong.


Gitna pa lang daw ng 2011 ay pinaghandaan na ni Dingdong ang pagrampa ng topless.

Kasama raw siyang nag-conceptualize ng nasabing event,

“We thought of something na parang in the same line, medyo pareho rin  ang amoy niya, musky, deep. Pero eto ‘yung ano talaga pambuong araw. So, we thought of launching of a deo-cologne,” bungad ni Dingdong.

Ang buong konsepto raw ng bago niya endorsement ay para magbigay ng confidence and courage na harapin ang fears and challenges natin sa araw-araw.

Naging malaking motivation din daw kay Dingdong na magpa-seksi ang bago niyang teleserye sa GMA7, ang My Beloved.

Sa totoo lang, ang yummy-yummy nga raw ngayon ni Dingdong,  “Magaling kasi ‘yung cook ko, e,” ngiti ng aktor.

“Si Marian (Rivera) na pinaghahandaan ako ng masarap na isda parati at siyempre, ah, malaking bagay ‘yung paglabas mo ng  bahay handa ka para harapin ‘yung mga challenges sa buhay mo.”

Tinanong na rin namin si Dingdong sa natanggap naming text message tungkol sa pag-uugnay sa kanya kay Grace Lee na nababalitang bagong dini-date ngayon ni Pres.

Noynoy Aquino. Ayon sa text message, front lang daw ni Grace si P-Noy at si Dingdong daw talaga ang type ng TV host and radio anchor.

“Ako po? Ah, talaga? Ay, hindi po. Sa akin nili-link? Ah ganu’n ba? Anyway, ngayon ko lang narinig ‘yun.

Ayaw ko namang bigyan ng kahit na anong malisya ‘yun dahil wala naman  pong ganu’n. In fact, it was only the second or third time na na-meet ko siya.

And of course, I’m also  an avid listener sa kanyang radio program,” pahayag ni Dingdong.

Nagkita lang daw sila sa ilang show ni Grace kaya nagulat si Dingdong na nali-link pala siya rito.

Read more...