Mga bilbil ni John Lloyd nagmumura

Hindi na raw nahiya sa kaseksihan ni Angel

Kaya naman very consistent si John Lloyd Cruz sa pagiging kikoy at natural na komedyante even without trying.

Imagine kapatid na Ervin, isa lang siya sa mga sikat na aktor natin na nagagawang katatawanan ang sarili lalo pa’t hindi naman talaga siya hunk o may magandang pangangatawan and yet, sa Valentine offering movie nila ni Angel Locsin, hataw kung hataw ito sa pag-display.

“Walang takot di ba?” ang hirit pa nito habang nagdedetalye kung bakit confident siya na ipakita ang mga bilbil niya at mga masel-maselan.

Sa pelikula nilang “Unofficially Yours”, hindi lang isang beses nagdisplay ng kanyang katawan si Lloydie.

Sa dami ng mga seksing eksena nila ni Angel, wala raw siyang rason para mag-inarte pa lalo’t nu’ng kinukunan na ang mga eksena nila ay mas nauuna pang maghubad ang aktres.

Ni hindi nga raw siya nag-prepare para tapatan ang kaseksihan ni Angel, “What you see is what you get. Kasama ‘yun (mga bilbil) sa package!”

Read more...