Pagkababae ni Kris pinaglaruan, 'STD’ muling binuhay ng Netizens | Bandera

Pagkababae ni Kris pinaglaruan, ‘STD’ muling binuhay ng Netizens

Alex Brosas - July 24, 2014 - 03:00 AM


PINAGLARUAN pala si Kris Aquino sa social media nang kumalat at naging viral sa Facebook ang isang story. Nakalagay sa nag-surface na story sa GMA News Online ang nakakalokang headline which said, “Overflowing STD virus from Kris Aquino causes a stink at NAIA-1”.

Umapir ito sa isang popular website. Pero kapag in-open mo naman ang link ng GMA News Online ay ibang story naman ang lumalabas, ang “Overflowing septic tank causes a stink at NAIA-1.”

Actually, walang kinalaman ang GMA News Online sa story about Kris Aquino. Meron lang nagbiro nang masama at ginamit ang network website para hiyain ang presidential sister.

Ano kaya ang magiging reaction ni Kris dito? Mapikon kaya siya? Na-hurt kaya siya o inisip na lang niyang meron talagang masasamang tao na ginamit ang beauty niya? Will she take this sitting down o gagawa siya ng action? Let’s see how Kris will handle this.

Anyway, mixed reactions ang nabasa namin sa popular website. One said, “Hahahha! Grabe netizens ha, enough na, this is too much na for the queen of talk. Darla!! *krizzy laugh*”

Another one believes na, “Ang ha-harsh na talaga ng mga tao. Lumang isyu, binuhay?” “Aminin nyo, convincing ang news story knowing Tetay. Hahahahahahaha!” sabi naman ng isang guy.

Teka, ba’t nga ba hindi matapos-tapos ang STD issue kay Kris Aquino, e ang tagal na nu’n, no!? Para itong recurring nightmare na dapat niyang pagdaanan every now and then.

Talagang hindi pa rin makalimutan ng tao ang pasabog ni Kris noon na muntik na siyang magkaroon ng STD.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending