Jennylyn: Buhay ko ‘to, gagawin ko ang gusto ko…wala kayong paki!!!


Pinatulan ni Jennylyn Mercado ang bashers niya sa social media. “I am who I am. I like what I like. I love who I love. I do what I want. Get off my back and deal with it. It’s my life, not yours.”

That was Jennylyn’s resbak sa mga taong namba-bash sa kanya. Marami kasi ang nag-react nang negative when a photo showed her following her ex-boyfriend Dennis Trillo sa Twitter.

Kung anu-ano kasi ang sinabi ni Jen noon when they broke up and she hinted pa nga na sinasaktan siya ng binata. And now na pina-follow niya si Dennis sa social media ay niresbakan siya ng fans ng actor, pinalabas siyang naghahabol.

Parang ang dating kasi ay ginaya niya ang drama ni Angel Locsin na nakipagbalikan sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.
One basher even had the gall to call her a gold digger.

“Hahahahaha… She may have watched Kris TV when Kris mentioned to Angel about ‘the other lady’ who was not that close to Lucky’s family. Lol. Kasi naman gold digger ang babaeng to. Lol,” say ng basher.

Kaagad na ipinagtanggol naman si Jen ng isang guy who said, “Hindi ako fan ni JM pero di naman ako naniniwala na gold digger siya. Di nga siya nagpa-support kay Patrick Garcia para sa anak niya e.

Mayhaps di nga siya close sa family ni Lucky pero kasi tingin ko di rin naman siya social climber. Saka busy rin naman kasi siya. May anak din siyang inaasikaso pag may time siya.

Unlike Angel. Not that I say na social climber siya. Ha-hahaha!” Tama. Kung gold digger si Jen, eh, di sana ay pumatol na siya sa mayayamang matandang nagkakandarapa sa kanya.

Isa pa, marunong maghanap-buhay si Jen, hindi nga siya umaangal na siya lang ang gumagastos sa anak niya, ‘di ba?

( Photo credit to jennylyn mercado official fanpage )

Read more...