Perpetual Help pinapaboran kontra JRU


Games Today
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Perpetual vs JRU
4 p.m. SSC-R vs Arellano

Team Standings:  San Beda (5-0); Perpetual Help (3-0); San Sebastian (3-1); Arellano U (3-1); Lyceum (3-2); JRU (2-3); St. Benilde (1-3); Emilio Aguinaldo College (1-3); Letran (1-4); Mapua (0-5)

MAPANATILING malinis ang karta ang nais ng Perpetual Help Altas sa pagsagupa nito sa Jose Rizal University Heavy Bombers  sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena, San Juan City.

Ikaapat na tagumpay ang nakataya para sa Altas kung mananalo ito sa unang laro  habang ang San Sebastian    at  Arellano University  naman ay mag-uunahan sa kanilang ikaapat na panalo matapos ang limang laro sa ikalawang seniors game.

Nasa unahan ang  four-time defending champion San Beda (5-0) na walang laro ngayon. Bagaman llamado pa ring maituturing ay hindi   puwedeng  maliitin ng Altas ang Heavy Bombers na magpupursiging  bumangon mula sa 80-84 pagkatalo kontra Lyceum sa huling laro.

Sasandig ang Altas kay  Earl Scottie Thompson na may average na 22.7 puntos, 11 rebounds at 7 assists.

Read more...