Ang Pangulong batang isip

PINAGHAHATI ni Pangulong Noynoy ang bansa sa kanyang panawagan na siya’y suportahan sa kanyang away sa Supreme Court na nagdeklara na labag sa Constitution ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Nanawagan si P-Noynoy na magsuot ng kulay dilaw ang mga nagsusuporta sa kanya.

Ang kulay dilaw ay trademark color ng kanyang inang si yumaong Pangulong Cory.

Pero hindi sinusunod ng mga empleyado ng judiciary ang panawagan ng Pangulo at bagkus ay nagsusuot sila ng itim at pula simula kahapon.

Dapat paalalahanan si P-Noy that he’s promoting divisiveness sa bansa.

Dapat malaman niya na bilang Pangulo, siya’y ama ng buong bansa at ang magaling na ama ay di pinag-aaway ang kanyang mga anak.

Anong klaseng mga advisers ang nakuha ni Sir Noynoy, na maituturing nating “boy president” dahil parang bata siya kung mag-isip.

Bakit kailangan pang maglabas na order ang Sandiganbayan na sinususpinde si Senator Jinggoy sa Senado samantalang siya’y nakakulong na?

Parang nilagyan ng asin ang kanyang sugat.

Parang over-acting o OA yata ang Sandiganbayan.

Ang balita na si dating National Food Authority Administrator Lito Banayo ay nahaharap sa economic sabotage dahil sa malakihang rice smuggling noong siya’y NFA head ay magandang balita para sa bayan.

Marami kasing mamamayan ang nag-isip na untouchable si Banayo dahil siya’y supporter ni dating Sen. Ping Lacson na malapit na kaalyado ni P-Noy.

Pero ang mga bagong balita na natanggap ng inyong lingkod ay nagdistansiya na si Lacson kay Banayo dahil ayaw niyang ma-identify sa isang economic saboteur.

Malamang na may nakapagsabi kay Ping Lacson tungkol sa gawain ni Banayo sa NFA.

Dapat tingnan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bagong anggulo sa pagpatay kay Nixon Kua.

Si Kua ay dating columnist ng isang tabloid at dating head ng Philippine Tourism Authority (PTA).

Malapit na magkaibigan si Kua at Banayo. Masyadong magkalapit.

Ang official findings ng pagpatay kay Kua ay robbery sa kanyang bahay sa well-secured na Ayala Greenfield Subdivision sa Calamba, Laguna.

Pero may mga reports na nakarating sa inyong lingkod na pinatay si Kua ng mga hired killers na inupahan ng mga rice smugglers na kilala ni Banayo.

Noong si Banayo ay nagsusulat pa ng column sa isang diyaryo, palagi niyang binabanatan ang noon ay First Gentleman Mike Arroyo dahil sinasabi niyang si Mike ay nasa likod ng maraming irregularidad sa gobyerno.

Inuupakan din ako ni Banayo dahil ang kasalanan ko lang ay kaibigan ko noon si Mike Arroyo.

May kasabihan sa Tagalog na ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.

Ni-raid ng National Bureau of Investigation ang bodega ng isang farmers’ cooperative sa Sta. Rosa, Nueva Ecija on July 15.

Hinahanap nila ang smuggled garlic. Wala silang nakitang mga smuggled garlic.

Sa halip, ang kanilang nakita sa bodega ay mga bawang, sibuyas at iba’t ibang gulay na bagong ani ng mga magsasaka para ipagbili sa iba’t ibang palengke sa Luzon at Metro Manila.

Ang mga NBI agents, na nagdala pa ng news crew ng TV5, ay walang mission order. At wala rin silang search warrant.

Isinagawa nila ang raid dahil sa utos ng Pangulo na hulihin ang lahat ng mga hoarded garlic na nagpataas ng presyo nito.

Kailangan pa nilang ilabag ang constitutional rights at karapatang pantao ng mamamayan upang matuwa sa kanila ang Pangulo.

Read more...