GMA luging-lugi kay Marian, milyones ang talent fee pero 1 lang ang show

MARIAN RIVERA

HOW true na luging-lugi ang GMA 7 kay Marian Rivera?

Guaranteed ang contract ni Marian, ibig sabihin ke may trabaho o wala ay meron itong suweldo. And mind ‘ya, milyones ito, ha, at hindi barya-barya.

Now, to make things clearer kung bakit nasabing lugi ang network kay Marian, we would like to point out na isa lang ang show ng dyowa ni Dingdong ngayon, ang dance show niyang hindi pinapasok ng commercial at hindi nagre-rate. Nagimbal daw ang management ng Siyete nang mag-one digit ang rating nito, ibig sabihin walang masyadong nanonood.

Two, hindi rin pala pinapasok ng advertisers ang dance show ni Marian. Hindi kami nanonood ng basurang show kaya hindi namin alam kung true ito.

Sumasakit na nga raw ang ulo ng executives sa Siyete kung ano ang ibibigay na show kay Marian dahil pasweldo sila nang pasweldo pero hindi naman sulit dahil isa lang ang show nito pero bagsak pa sa rating.

Hindi na alam ng execs ng Siyete kung anong klaseng programa ang ibibigay sa dyowa ni Dingdong dahil lahat yata ng gawin nito ay hindi nagki-click. ‘Yung soap niya, kailangang tigbakin dahil hindi nagre-rate. Bakit nga naman titigbagkin ‘yung kung marami ang nanonood. Kalokohang sabihing nagre-rate ang isang show pero nasa chopping board na, ‘no!

That said, talagang MISNOMER na tawaging Primetime Queen si Marian. May explanation ba riyan ang management ng Siyete?

Read more...