Relasyong Bea-Paulo aprub sa madlang pipol, Maricar bwisit | Bandera

Relasyong Bea-Paulo aprub sa madlang pipol, Maricar bwisit

Ervin Santiago |July 22,2014
facebook
share this

Relasyong Bea-Paulo aprub sa madlang pipol, Maricar bwisit

Ervin Santiago - July 22, 2014 - 03:00 AM

PAULO AVELINO AT BEA ALONZO

Kapit na kapit pa rin ang televiewers sa mas lalong tumitinding Primetime Bida series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinabibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Patuloy na humahataw sa ratings game ang nasabing soap opera ng ABS-CBN dahil na rin sa mga nakakakilig, nakakawindang at nakakalokang eksena nina Paulo at Bea, pati na rin ang nakakainit ng dugong pagkokontrabida ni Maricar Reyes na gustung-gusto naming sabunutan kapag napapanood namin! Ha-hahaha!

Ngayong linggo, mabuking na kaya ni Leo (Albert Martinez) na ang babaeng iniuwi niya sa kanyang bahay mula sa ospital ay hindi si Emmanuelle kundi si Rose (Bea). Dahil dito, unti-unti nang malalagay sa panganib ang buhay ni Rose.

Maisakatuparan pa rin kaya niya ang paghihiganti laban kina Patrick (Paulo) at Sasha (Maricar)? Hanggang kailan kaya masisikmura ni Rose ang pagpapanggap para sa hustisya na kanyang inaasam? Ano ang mananaig sa puso niya sa kanyang paghihiganti kay Patrick—galit o pagmamahal?

Hanggang kailan din maitatago ni Ruth (Susan Roces) kay Alex ang lihim nila ni Rose?

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay produkto pa rin ng Dreamscape Entertainment Television, sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending