Jennylyn nanghihinayang, inggit na inggit kina Luis at Angel | Bandera

Jennylyn nanghihinayang, inggit na inggit kina Luis at Angel

Ervin Santiago |July 22,2014
facebook
share this

Jennylyn nanghihinayang, inggit na inggit kina Luis at Angel

Ervin Santiago - July 22, 2014 - 03:00 AM

JENNYLYN MERCADO, LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

True kaya na nagsisisi si Jennylyn Mercado na nakipaghiwalay siya sa ex-boyfriend na si Luis Manzano? May mga sitsit kasi na inggit na inggit daw ang Kapuso actress sa relasyon ngayon nina Luis at Angel Locsin.

Sey ng mga chikadora, halatang hindi pa rin daw nakaka-move on itong si Jennylyn sa break-up nila ni Luis dahil kung nakalimutan na niyang tuluyan ang binata ay bakit daw nasabi nito na hindi pa siya handang makita uli ang ex-dyowa?

Ibig sabihin, sariwa pa ang mga sugat na iniwan ni Luis sa kanyang puso? At ngayong nakikita niyang super happy na ang TV host-actor sa piling ni Angel ay apektado pa rin siya?

Sa isang interview kay Jennylyn, sinabi niyang panahon lang ang sagot para makalimutan ang isang masakit na break-up.

“I know masakit kapag breakup talaga. Mahirap makipaghiwalay sa taong talagang nakasama mo nang matagal at mahal mo.

Pero time lang ang makakapagsabi kung kailan kayo magiging ready na para sa isa’t isa, maging friends ulit,” aniya.

“Siguro ang pinaka-secret lang is time. Yun lang. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan kayo magiging okay ulit,” dagdag pa ng ex-GF ni Luis.

Kung matatandaan nagsalita na noon si Jen tungkol sa planong pagpapakasal nina Luis at Angel, paiwas niyang sagot, “Wala muna. Wala. Ayoko muna pag-usapan. Wala na ako doon. Basta I wish them well…I wish them well!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending