Jennylyn, Bianca nagkahiyaan dahil kay Dennis

Nagkita at nag-usap ang ex at current ni Dennis Trillo.

Waited the whole Showbiz Central episode last Sunday hoping makikita namin sina Dennis and Jennylyn Mercado in one interaction dahil may bago ngang soap ang actor na Biritera that piloted yesterday sa TeleBabad after 24 Oras at isa naman sa hosts si Jennylyn ng Showbiz Central.

Ang mga bagong bagets ng Biritera ang pinag-promote nila sa said Sunday show.

What we got instead is the interaction between Jennylyn and Bianca King, ang sinasabi namang current ni Dennis na may sarili ring show na nag-pilot din yesterday, ang Broken Vow sa afternoon prime after Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Sa Showbiz Central, nagkita at nagkatanungan sina Jennylyn and Bianca.

Ang nakakaloka lang, si John “Sweet” Lapus pa ang nakapagtanong about Bianca and Dennis.

Nagkahiyaan kasi sina Jennylyn at Bianca about their common boy or at least hindi napaamin si Bianca about Dennis.

Si Sweet, at least naitanong kay Bianca kung ano ang paboritong kainin ni Dennis sa niluluto niya at nasagot ito ng kahit anong iluto niya, kinakain ni Dennis kaya nagsigawan ang mga audience.

Sabagay wala naman talagang malisya sa naging tanong at sagot nila, hindi ba?

Ang audience lang ang malisyoso. Ha-hahaha!

Read more...