Piolo may kinatatakutan kaya ayaw ipainterbyu si Inigo sa Press


Natatakot pala si Piolo Pascual na isalang sa maraming interbyu ang kanyang anak na si Iñigo. Pinag-artista na rin ni
Piolo ang kanyang anak, nagbibida na nga ito sa isang indie film na siya mismo ang nagprodyus, bakit kaya may kung anong kinatatakutan ang aktor tungkol sa pagpapainterbyu kay Iñigo?

Tanong tuloy ng mas nakararami ay meron bang pag-aalinlangan si Piolo sa kung ano ang sasabihin ni Iñigo sa mga tanong na ipupukol sa binata? Nakakaalarma raw ba kasi ang mga sasabihin ng anak ni Piolo sa mga panayam?

Sabi ng isang naiirita na tungkol sa mga ganitong atake, “Ganu’n pala ang gagawin niya at gustong mangyari, bakit kasi pinauwi pa niya dito ang bata? Di sana, sa Hollywood niya na lang pinag-artista si Iñigo?

“May kinatatakutan ba siyang tanong na puwedeng sagutin ng anak niya nang diretso? Bakit ayaw niyang ipa-interview ang anak niya, ano ba ang naglalaro sa utak ni Piolo?” tanong ng aming source.

In fairness, may pinagmanahan ang kakisigan ng bagets, nakuha nito ‘yun sa kanyang ama, talento na lang ni Iñigo ang kailangan nating abangan para masabi nating may karapatan din itong mag-artista.

Siguro naman ay hindi pababayaan ni Piolo Pascual ang kanyang anak. Nandiyan na ang binata, sayang naman kung mababantilawan pa ang pagpasok nito sa mundong mahal at nagbigay ng suwerte sa kanyang ama.

“Guwapo si Iñigo, pero tanggapin natin ang katotohanan na nabahaginan lang siya ng kaguwapuhan ng daddy niya, di hamak na mas guwapo si Piolo kesa sa kanya,” komento naman ng isa naming kaibigan.

Sa aspetong ‘yun ay walang tututol, walang kokontra, dahil ‘yun ang totoo!

( Photo credit to piolo pascual official fanpage )

Read more...