Board passer ka (2)

Sulat mula kay Imelda, ng  Barangay Cawa-Cawa,  Dapitan City.
Problema:
1.  Sa susunod na taon ay kukuha na ako ng licensure examination para sa natapos kong kurso. Kapag nakapasa ako ay magkakaroon na rin ako ng lisensiya at tiyak may permanente na akong pagkakakitaan o trabaho. Ang lisensiyang ito lamang ang magbibigay ng magandang kinabukasan para sa aking anak. Single mother ako, pero sa mata ng lola ko, ako’y disgrasyada at ang anak ko ay bastardo.
2. Hindi ko naman makuhang magalit sa lola ko dahil siya ang nagtaguyod sa aking pag-aaral. Alam kong sa pagre-review lamang ako makaaasa na papasa sa eksamen. Pero, nais ko ring sumangguni sa inyo baka may masisilip kayong suwerte sa akin. Sa susunod ba ay tunay na lovelife na at mauuwi na ito sa kasalan? Ako’y isinilang noong Okt. 23, 1991.
Umaasa,
Imelda, ng Barangay Cawa-Cawa, Dapitan City
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ang nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban na lang kung sa ikaapat na pag-ibig, isang Aquarius ang sasagutin at magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagtatakda ng magara o kakaibang kapalaran. Kung saan, tulad ng nasabi na, “suwerte sa career malas sa pag-ibig” ngunit sa ika-4 na pakikipag-boyfriend, magiging maligaya ka rin at magkakaroon ng isang matagumpay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na violet, yellow at red. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Imelda, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mag-alala sa career, dahil sa sandaling kumuha ka ng board exam sa susunod na taon, siguradong makakapasa ka, ngunit sa pag-ibig, dalawang kabiguan pa ang iyong pagdadaaanan, sa ikaapat na pakikipag-relasyon, mabubuo ang masaya at maunlad na pamilya at tuluy-tuloy ka na ring susuwertehin.

Read more...