Wenn Deramas sinaniban ng demonyo


KINUMPIRMA ng box-office director na si Wenn Deramas ang plano ni Megastar Sharon Cuneta na makagawa muli ng pelikula. Tinawagan ni Sharon si Direk Wenn para gawan siya ng movie bago umalis noon ang Megastar for a series of shows abroad.

“Sana matuloy ‘yung 2015 naming proyekto. Sabi ko pagdating niya, doon namin pag-usapan. Dumating na ba siya?” tanong ni Direk Wenn sa amin. Ayon sa isang source, dumating na si Megasar noong July 6, “Sabi ko, pagdating niya uupo kaming dalawa lang.

Walang ibang tao. Kinausap na rin niya si Boss Vic (del Rosario, Jr.,  Mega’s manager), e. Sabi ko, ah, walang iba. Dalawa lang kami ni Mega. Kami ay uupo at mag-uusap,” sabi pa ni Direk Wenn.

Hindi naman daw heart to heart talk or seryosohan na usapan ang magaganap sa kanila ni Mega. Tsikahang masaya lang daw dahil gusto nilang makagawa ng isang maganda at makabuluhang pelikula.

And hopefully, si Gabby Concepcion ang kunin nilang leading man for Mega. Meron na raw naisip na concept si Direk Wenn sa movie na gagawin niya kina Mega at Gabby. Dramedy ang tema nito.

Dalawa ang pelikula na magkasabay ginagawa ngayon ni Direk Wenn, ang “Moron5” part 2 at  ang kanyang kauna-unahang horror film na “Maria Leonora Teresa.”

Matagal ko nang konsepto ang ‘Maria Leonora Teresa,’ noong mga 2007 pa, na naungkat ko lang ulit nu’ng ginagawa ko ‘yung ‘Bromance.’ Tapos nakwento ko kay Enrico Santos.

So, sa pitching niya sa Star Cinema naikwento niya, ‘May ganitong concept si Direk Wenn.’ Nagustuhan, o, eto na siya ngayon.”
“Matagal, mga 2007 pa. Originally sa TV ‘to.

Kaya lang after kong gawin ‘yung Maligno (horror-serye niya on ABS-CBN nina Claudine Barretto at Diether Ocampo), na-maligno rin naman ako habang ginagawa ko ‘yun.”

Ni-reveal ni Direk Wenn na nu’ng ginagawa niya ang Maligno ay parang nasaniban siya ng bad spirit, “Totoo, ang dami-dami sa staff ko ang nagsasabi sa akin.

Sina Danny, ‘yung production designer ko sa mga pelikula at TV shows ko – natatakot na sa akin. Sinasabi nila, ‘Direk, mukha ka ng demonyo. Galit ka.’

“Syempre, ‘pag gising mo pa lang pupunta ka sa set iisipin mo ‘yung kademonyohan. Ano ‘yung mga gagawin mong kademonyohan? O, e, it’s demonyo,” paglalahad ni Direk Wenn.

Pinilit daw nilang itama ‘yung mga bagay na reklamo natin kapag nanonood tayo ng horror film, “Naging very realistic kami tungkol sa tatlong magulang na nawalan ng anak at ‘yung pinaka-ano nila lowest point ng buhay nila, doon sila ginamitan ng demonyo.

So, ibig sahinin, nagpapakita kami rito na lahat tayo dadaan at dadaan sa ‘yung tinatawag na lowest point ng buhay. “At isa lang ang pwede nating kapitan pa  rin, ang Panginoon.

At ang ending nito, syempre, magwawagi ang good over evil,” kuwento pa ni direk. Mas excited daw ngayon si Direk Wenn sa paggawa niya ng kanyang first horror film. Pero syempre, hindi niya pwedeng talikuran ang comedy films.

( Photo credit to wenn deramas official fanpage )

Read more...