Vhong matigas pa rin, ayaw makipag-ayos kina Deniece at Cedric


Speaking of Vhong Navarro, wala siyang planong iatras ang mga kasong isinampa niya laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at ibang akusado na bumugbog sa kanya ilang buwan na ang nakararaan.

Ito ang kinumpirma ng abogado niyang si Atty. Alma Mallonga. Desisido pa rin ang TV host-actor na ituloy ang kaso laban sa mga ito at maparusahan ang may mga kasalanan, “There  is no amount of money that could actually compensate for what has been done to him and Mr. Navarro would rather that the court itself determine how much is the damages.”

Sabi ng abogado ni Vhong, hindi pa sila nagdedesisyon kung aapir na ang komedyante sa susunod nilang hearin sa Aug. 4, ito nga ‘yung huling mediation para sa grave coercion case.

Sabi ni Malonga, nag-aalala pa rin kasi siya sa seguridad ng kanyang kliyente. “During the last mediation, we articulated the position that Mr. Vhong Navarro need not appear.

The mediator said that if Mr. Navarro is not really interested in settlement, he wanted to hear that for himself,” ani Mallonga.
Gusto kasing maiwasan nina Vhong ang mga nangyari noong huli silang dumalo sa hearing kung saan sinigawan at binato ang aktor.

( bandera.ph file photo )

Read more...