Fourth natatakot sa pag-amin ni Fifth: Ayoko siyang makitang nasasaktan!


Kahit bading ang kakambal at kapwa housemate sa PBB house na si Fifth Pagotan, nangakong susuportahan pa rin ito ni Fourth na naging emosyonal nga sa confession room habang kausap si Big Brother.

“Hindi naman po mahalaga ’yung sinasabi ng ibang tao, mga komento ng ibang tao. Pero, siguro, natatakot lang din po ako sa mga sasabihin nila.

Kinakatakot ko po na husgahan siya, na ‘yung family namin, ako, masaktan, ‘yung mommy namin,” pahayag ni Fourth.
Inamin din nito na alam na niya ang sexual preference ng kapatid noon pang nasa high school sila.

Hindi rin daw ito agad inamin ni Fifth sa kanya until may nangyaring ayaw na niyang idetalye pa.Sinabi pa ni Fourth na binibigyan pa nga niya ng advice ang utol kapag meron itong problema sa kanyang partner, kaya nang tanungin siya ni Kuya kung tanggap niya ang kasarian ng kakambal, “Opo, Kuya, tanggap ko po. Buong-buo po, tanggap ko po.”

“Natatakot lang po talaga ako sa mga puwedeng mangyari pag labas po, mga puwede pong sabihin… Ayoko po siyang makitang naghihirap po, Kuya, nasasaktan.

Kung puwede lang saluhin din o ipasan din ’yung nararamdaman niya, kukuha po ako para po gumaan po. Sobra pong mahalaga sa akin ang kapatid ko.”

“Kahit ano’ng mangyari, nakasuporta naman ako sa kanya. Kakambal niya ako, kuya niya ako, kadugo niya ako, so kung ano man ang maging desisyon niya sa tingin niyang tama, nandito lang po ako,” dagdag ni Fourth.

( Photo credit to fourth and fifth official fanpage )

Read more...