HOROSCOPE, July 20, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: May darating na malaking halaga ng salapi. Hindi dapat ubusin ang pera sa blow-out. Ang birthday ay lumilipas, pero ang pera ay mahalaga. Sa pag-ibig, muling kikiligin ang kasuyo sa muli nyong pagde-date. Mapalad ang 2, 16, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Habang isinasagawa ang public service, kikita ka ng malaking halaga. Laging tumulong sa kapwa ng bukal sa loob. Sa ganyang paraan, kusang darating suwerte at masayang pag-ibig. Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa iyong puso upang mas madaling yumaman. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng tulis kapag nakatiklop, bilog kapag binuksan, kailangang-kailangan niya ito sa panahong ng tag-ulan. Mapalad ang 3, 9, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Om.” Green  at violet ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) — Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo mong lakas sa pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 4, 13, 28, 36 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tamal-Harayana-Om.”  Beige at blue ang buenas.
 Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, wag magpadala sa mga pintas at paninira ng iba, upang lalong tumibay ang pagmamahalan. Kapag stable ang relasyon maraming suwerte at magagandang kapalaran ang  darating. Mapalad ang 7, 17, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansiyal, sa sariling diskarte mas mabilis na lalago ang kayamanan. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit, maaari mo ring paligayahin ang sarili at ang mga mahal mo sa buhay kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Gray at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Lutasin agad ang mga problema pang-pinansyal. Wag hayaang lumaki ang tubo ng Bombay at ng credit card, magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin na ang kasuyong matampuhin upang uminit muli ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 27, 31, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Fegerra-Om.” Maroon at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tapusin agad ang mga nakabingbing trabaho. Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas masarap ng makapagre-relaks. Sa pag-ibig, isama ang kasuyo sa binabalak na panonood ng sine. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal upang mas madaling malutas ang mga problema. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Yama-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Nangangailangan ka ng pansin at pagmamahal mula sa opposite sex. Kapag kasi may dumating wag ka ng maging pihikan – sunggab agad. Sa pinansyal, aanhin ang maraming salapi kung wala ka namang special someone? Mapalad ang 6, 9, 24, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit na sobrang busy at hectic ang schedule gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal upang lalong tumibay ang relasyon. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Cancer ng dahil lang sa pera. Mapalad ang 4, 19, 21, 27, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18) — Kausapin ang isang taong nakasamaan ng loob, ipaliwanag sa kanya ng maayos ang iyong sitwasyon, upang hindi na lumala ang problema. Sa pag-ibig, mas magiging mapayapa ang isipan kung laging kasundo ang kasuyong Leo. Mapalad ang 1, 9, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at maroon ang buenas.
 Pisces – (February 19 – March 20) — Mas mainam na ubusin ang oras sa paggawa ng mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 16, 22, 34, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” White at blue ang buenas.

Read more...