Fans ni Sam Milby inireklamo ang ending ng Dyesebel
Dahil sa rotating brownout sa Metro Manila ay hindi namin napanood ang pagtatapos ng Dyesebel noong Biyernes kaya umalis na lang kami ng bahay para manood ng last full show ng “She’s Dating The Gangster” sa Gateway Cinema 3.
Kaya nagtataka kami kung bakit maraming nagte-text sa aming supporters ni Sam Milby kung bakit daw namatay sa ending ang aktor puwede naman daw siyang buhayin sa kuwento.
Hindi muna namin sinagot ang mga nagtanong at pagdating ng bahay ay timing na may kuryente na at saka lang kami nakapagtsek ng tungkol sa pagtatapos ng Dyesebel na talagang nag-trending worldwide.
Nagtanong din kami sa ilang katotong nakapanood kung bakit namatay si Sam bilang si Liro ay dahil sinalo raw niya ang bala para kay Dyesebel kaya talagang si Gerald Anderson bilang si Fredo ang nakatuluyan ni Anne Curtis.
Wala naman palang Liro sa orihinal na istorya ng Dyesebel kaya siguro pinatay ang nasabing karakter sa pagtatapos ng nasabing serye.
Pero mukhang hindi lang ang karakter ni Liro ang nabago sa orihinal na istorya ng Dyesebel dahil nabuhay daw ang karakter ni Eula Valdes bilang si Dyangga na dapat ay pinatay din.
Anyway, nagtapos na ang Dyesebel na nanatiling numero uno simula umpisa hanggang sa matapos ito. Going back to Sam Milby ay hindi niya napanood ang pagtatapos ng Dyesebel dahil nu’ng Biyernes ng hapon ay lumipad siya patungong London para sa Barrio Fiesta event ng TFC kasama ang ibang Star Magic talents.
Pagkatapos nitoay segue ang aktor sa Canada at Hawaii para sa TFC ulit at pagbalik ng Pilipinas ay promo naman ng pelikulang “The Gifted” mula sa Viva Films at Star Cinema kasama si Anne at uumpisahan na niya ang bagong album mula sa Star Records.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.