Kathryn inagaw na ang trono ni Sarah; Daniel napilitang sumayaw kahit hiyang-hiya | Bandera

Kathryn inagaw na ang trono ni Sarah; Daniel napilitang sumayaw kahit hiyang-hiya

Reggee Bonoan - July 20, 2014 - 03:00 AM


TUWANG-TUWA kami sa pagtsi-cheer ni Kathryn Bernardo sa eksenang naglalaro ng basketball si Daniel Padilla sa “She’s Dating The Gangster”. Ginagaya na ngayon ng mga bagets ang, “Go, go, go sexy, go sexy, my sexy love!” ng dalaga.

Halos lahat nga ng nakasabayan naming nanood ay ito na ang sinasabi habang papalabas kami ng sinehan. At hanggang pagdating namin ng bahay ay na-LSS kami.

Samantala, ang galing ni Kathryn at hindi na solo ni Sarah Geronimo ang mga ginagawa niyang pagpapakilig at pagpapa-cute sa mga papel nito sa romantic comedy film, posibleng maungusan na siya ng batang aktres.

Kailangan na rin sigurong mag-level up ni Sarah sa mga ganitong papel sa pelikula lalo’t isa na siyang hurado sa The Voice of the Philippines na malaking tulong sa kanya dahil naging ka-level niyang bigla sina Bamboo at Lea Salonga.

Tulad ni Toni Gonzaga na nakilala bilang komedyana sa mga naunang pelikula niya kasama si Sam Milby ay nag-level up na rin dahil mature role na ang ginampanan niya sa “Starting Over Again” kasama si Piolo Pascual.

Samantala, totoo nga ang sinabi ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina na nag-improve talaga ang acting nina Daniel at Kathryn na nakitaan na niya ng galing sa Got To Believe pero hindi niya ini-expect na marami pa pala siyang mahuhugot mula mga bagets.

Tanda naman namin na magaling talaga sa drama si Kathryn at si Daniel naman ay may pagmamanahan dahil parehong artista ang magulang na sina Rommel Padilla at Karla Estrada at mga tiyuhing tulad nina Robin Padilla at ang dating Rustom Padilla na si BB Gandanghari.

May lalim sa pag-arte si Daniel kaya para sa amin ay isa na siyang aktor dahil hindi lang pagpapa-cute, pagpapakilig at pagiging maangas ang alam niyang gawin dahil puwede rin pala siyang magpakaseryoso.

At aliw kami na marunong naman pala siyang sumayaw dahil talagang napasayaw siya ni direk Cathy nang mag-disco sila ni Kathryn. Ang alam namin ay ayaw na ayaw ni Daniel na sumasayaw siya dahil katwiran niya, walang Padilla na sumasayaw.

Ha-hahaha! Oo nga naman, ayaw nina Robin at Rommel. May tatak talaga si direk Cathy sa mga pelikula niya na kailangan magsuot ng wig tulad ng ginawa kina DJ at Kath na may isang eksena pa na naging kamukha ng direktor ang batang aktres nang magpaiksi ng buhok.

Samantala, iilang eksena lang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta kaya nabitin kami lalo na ang aktres na isang beses lang ipinakita, talagang may kilig pa rin sila maski may kanya-kanya ng pamilya.

Sana may follow-up movie sina Goma at Dawn pagkatapos ng “She’s Dating The Gangster”. At sa mga manonood ng pelikula ay magdala kayo ng isang box ng tissue dahil tiyak na kukulangin ang panyo ninyo sa kaiiyak.

May cameo role si JM de Guzman at in fairness, kamuntikan namin siyang hindi nakilala, ang guwapo-guwapo niya ngayon, fresh na fresh, sana mabigyan ulit siya ng project ng ABS-CBN at Star Cinema.

As of Thursday ay almost P30 million na raw ang kinita ng “SDTG” say mismo ng taga-Star Cinema. Naitanong din namin ang tungkol sa ang unang kuwento sa amin na P20 million ang kinita sa unang araw ng movie, samantalang P15 million lang pala ang naka-record, “Nu’ng nagtanong ka kasi (Huwebes) ng 7 p.m. lampas P10 million na, normally, dodoble iyon pag last full show na kaya 20 million.

“Pero siguro dahil walang Robinsons at takot pa ang mga tao mag-last full show kaya hindi umabot, pero normally halos doble kaya sabi ko, halos P20 million.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending