Alessandra sobrang daldal kaya sinopla ni Maricel


MERON palang iringan na nangyayari sa teleserye ng GMA 7. Malakas ang chikang hindi nagkakasundo sina Maricel Soriano at Alessandra de Rossi. Madalas daw magtalo ang dalawa kapag break na sa taping nila.

Kasi naman, masyadong madaldal itong si Alex, feeling mo kung sino kung umasta. Siyempre, ‘yung iba gustong magpahinga pero si Alex ay tila walang pakialam. Gusto nito ay chika pa rin siya nang chika kahit na nakakagambala na siya.

Nabwisit daw si Marya at one time ay nakatikim ng talak si Alex mula sa Taray Queen. Natameme raw ang hitad at hindi pumalag. Si Marya kasi, kapag break ay gusto’y tahimik lang.

Nagkukulong daw ito sa kanyang dressing room. Eh, ito namang si Alex, parang hindi mauubusan ng kuwento, chika dito, chika roon ang drama palagi. Ayan, nakatikim tuloy siya ng pananaray kay Marya.

Napahiya tuloy siya. Kilalang prangka at mataray rin  itong si Alex pero hindi raw ito umubra kay Marya. Mas maganda sana kung pinatulan niya si Marya nang magkaalaman kung sino ang sino!

( bandera.ph file photo )

Read more...