Multi-million project ni Ate Guy sa kilalang drug company ‘PEKE’ raw
MAY lumabas na item sa column ni kaibigang RK Villacorta tungkol sa pagkaunsiyame diumano ng isang multi-million endorsement deal sa pagitan ng isang sikat na drug company and Superstar Nora Aunor dahil sa hindi raw maayos na pakikipag-negosasyon ng business manager ni Mama Guy.
Nanghihingi raw kasi agad ng 50% downpayment ang business manager ni Mama Guy sa kompanya bago nila simulan ang project na siyang ikina-turn off daw ng may-ari ng kompanya kaya napurnada ang said negotiation.
Bigla na lang daw umatras ang said drug company. I received a call from Mama Guy’s business manager na si Kuya Boy Palma kahapon at nagulat siya kung saan nanggaling ang bagong isyu sa ating Superstar.
“Kaya ako tumawag kasi nakita ko ang item na iyon sa timeline mo. Marami kasing Noranians ang tumawag sa akin asking if the item was true. Siyempre, bago ko ito sagutin, I would like to ask your permission first.
Saan kaya nakuha ni RK ang balitang iyon? Kasi, ako nga ang business manager ni Guy na tinutukoy niya pero wala kaming ganyang negosasyon with any drug company. My gosh! Multi-million transaction palalagpasin pa ba natin.
Ha-hahaha! Walang katotohanan iyan, please tell RK,” ani Kuya Boy who has always been gracious kahit sa pagtanggi on certain issues. Hindi tulad ng ibang napipikon agad.
“Wala naman kasing ganoon talaga. Kung meron lang, why not, di ba?” dagdag pa niya. I immediately called RK regarding the issue and Kuya Boy’s statement.
“Galing ang balitang iyan sa isang member ng Icon, yung international fan group ni Mama Guy. Kaya ko isinulat dahil ikinuwento niya sa akin. I will write about that para ma-clear,” ani RK na kasama ko today for Nueva Ecija para sa babang-luksa ng dad niya.
Gosh! Nang malaman ko ang tinutukoy na drug company na may offer daw kay Mama Guy, bigla akong nanlumo! Kasi nga, it’s the biggest and the most popular drug company ever to hit this country.
Walang panama ang drug company na ine-endorse ng karibal ni La Aunor. Ang kaibahan lang nila, yung sa kalaban ay totoo while yung sa idolo natin ay waley naman pala. Ha-hahaha! Sayang, di ba?
Kung nagkataon, magandang labanan iyon sa merkado – tiyak na piyesta na naman tayo sa competition, di ba? Kaya minsan, mahirap ding magtiwala sa pinanggagalingan ng maling balita, mismong fan pa ni Mama Guy ang source eh, mali naman pala.
Next time, ingatan naman ninyo ang idolo natin para hindi siya nalalagay sa alanganin – pati si Kuya Boy Palma na napakabait ay nadadawit pa sa isyu. Hay naku, ayaw ni Wenn Deramas ng ganyan. Kayo rin.
( Photo credit to entertainment inquirer.net )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.