Binoe, Kris sasabak sa grabeng laplapan

Parehong excited sina Kris Aquino at Robin Padilla sa gagawin nilang mga kissing scene sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw.

Nu’ng tinanong kasi si Kris kung payag ba siyang makipag-torrid kissing scene kay Binoe, agad itong sumagot ng, “Yes, pwedeng-pwede!”

At nang si Robin naman ang kinunan ng comment about this, inamin nitong siya pa raw ang nag-request na magkaroon sila ng laplapan ni Kris.

“Hindi, nagbibiruan lang kami ni Kris.

Noon kasi kapag may pelikula kami bawal maghalikan. Palagay ko may mangyayari Rito.

Bawal pa kasi dati kasi may asawa siya or boyfriend. Wala akong inaatrasan lalo na sa halikan.

Pero siyempre kailangan kasama sa istorya ‘yun. Hindi naman dahil sa gusto mo lang maghalikan, gagawin mo na.”

Excited na rin daw si Robin na makasama si Anne Curtis sa nasabing teleserye, “Iba si Kris, iba si Anne. Iba ‘yung passion nila sa trabaho kaya mga successful sila sa kani-kanilang career.

Kaya kong pantayan ‘yun.”

Read more...