Papa Jack bastos, naninigaw ng caller

Of late ay madalas kaming nakikinig sa radio show ni Papa Jack. Naa-amuse kasi kami sa pagbibigay niya ng advice. Naaaliw naman kami sa mga punchlines niya.

But lately, naiirita na kami. Masyado na kasi siyang bully sa kanyang mga listeners especially sa mga phone callers niyang humihingi ng advice.

We’re particularly pissed off when he shouted at a certain Paul, a Nursing graduate na hiniwalayan ng kanyang girlfriend dahil nahuli niya itong nakikipag-fling sa Facebook.

Mainit ang ulo ni Papa Jack during that time.

Na-snatch kasi ang cellphone ng mother niya. Ayun, sinisi talaga niya at sinigaw-sigawan ang caller na si Paul.

Nakakaloka! Dapat hindi siya nagraradyo kung mainit ang ulo niya.

Dapat hindi niya dinadala sa trabaho ang problema niya.

Ano naman kaya ang kinalaman ng pagkaka-snatch ng cellphone ng kanyang ina sa kanyang radio program?

Read more...