Zanjoe Marudo walang paki kung makipaglaplapan si Bea kay Paulo

ZANJOE MARUDO, PAULO AVELINO AT BEA ALONZO

WALANG issue kay Zanjoe Marudo ang maiinit na eksena nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Tulad ni Bea, naiintindihan ng Kapamilya actor ang trabaho ng kanyang girlfriend, sa simula pa lang daw kasi ng kanilang relasyon ay wala na silang pakialamanan pagdating sa kanilang work.

Kung nagagawa ni Zanjoe ang makipaghalikan at makipag-love scene sa kanyang mga leading lady, may kalayaan din si Bea na gawin ang mga ganu’ng uri ng eksena – ang katwiran ng magkasintahan, pareho silang artista at kung ano ang ipinagagawa sa kanila ng direktor, susundin nila ‘yun hangga’t kaya ng powers nila.

In fairness, kung ibang lalaki lang siguro ang dyowa ni Bea, tiyak na magseselos talaga kay Paulo. Base kasi sa mga nababasa naming komento ng viewers sa social media na nakatutok talaga sa kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, baka napikon na si Zanjoe kung mahina-hina lang ang sikmura niya sa mga intriga.

Ayon kasi sa isang nag-comment, sana raw ay iwan ni Bea si Zanjoe at si Paulo na lang ang dyowain dahil kilig na kilig nga sila kapag magkaeksena na ang dalawa.

May nagsabi naman na di hamak naman daw na mas gwapo si Paulo kesa kay Zanjoe kaya mas bagay sa tunay na buhay sina Bea at Paulo. Ha-hahaha! Naku, ayaw ni KC Concepcion nang ganyan.

Anyway, marami naman ang nagsa-suggest sa Dreamscape Entertainment na mas magiging mainit ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon dito ipapasok si KC bilang ka-love triangle nina Bea at Paulo. Gusto nilang makita kung paano makikipagsabayan ang aktres-TV host sa galing ng dalawa. Nabalita nga kasi na sa Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu idyo-join ang beaut ni KC bilang kaagaw ni Isabelle kay Samuel.

Pero feeling namin, hindi papayag sina KC at Paulo na magkasama sa isang proyekto dahil baka ito pa ang maging mitsa nang pagkasira ng kanilang relasyon.

Read more...