Anne ka-level na sina Leonardo DiCaprio, Samuel Jackson, Jessie J

ANNE CURTIS

Tuwang-tuwa si Anne Curtis nang makarating sa kanya ang balita na napasama siya sa Time Magazine’s “50 Smartest Celebrities on Twitter.”

Nasa ika-28 pwesto ang TV host-actress, na siyang may pinakamaraming followers sa Twitter – umabot na sa mahigit six million ang sumusubaybay kay Anne sa nasabing social networking site.

Ang ilan sa mga kilalang international celebrities na masasabing kaliga na ni Anne sa pagiging “superstar” sa socal media ay sina Leonardo DiCaprio (1st), Jimmy Kimmel (3rd), Samuel L. Jacskson (6th), Jessie J (10th) at marami pang iba.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nabuo ang nasabing listahan nang magsagawa ng survey ang Time Magazine, gamit ang isang “popular reading comprehension test” – ang Simple Measure of Gobbledygook (SMOG). “This measures the number of three syllable words used in a text to calculate the years of education required to understand it,” according to the report adding that, “The Top 50 celebrities all exceeded a fourth-grade reading level.”

Bukod kay Anne, ang ilan pang local celebrities na patuloy na dumarami ang Twitter followers ay sina Angel Locsin, Vice Ganda, Angelica Panganiban at KC Concepcion, pero hindi pa ito sapat para maabot nila ang level ni Anne Curtis.

Read more...