GOOD news!
Isa ka bang manggagawa sa pribadong sektor na hindi nakapasok dahil sa bagyong Glenda? Meron ka pa rin suweldong matatanggap sa araw na nanalasa si ‘Glenda’.
Ito ay ayon mismo kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.
Paliwanag ni Baldoz, obligado ang private sector employers na bayaran ang isang araw ng kanilang empleyado kahit absent ito sa trabaho trabaho makaraang suspendihin ang pasok dahil sa bagyo.
Sa ilalim ng rules na ‘no work, no pay’ o walang bayad sa mga manggagawa na hindi nagtrabaho ay paiiralin lamang kung may ganitong polisiya na ipinaiiral ang kompanyang pinapasukan o nakapaloob ito sa Collective Bargaining Agreement (CBA).
Ang mga empleyado naman na pumasok sa kabila ng malakas na bagyo ay dapat lamang bigyan ng extra incentives o benefits ng kanilang employer.
Kailangan din na bigyan ang mga empleyado ng libreng transportasyon, food, personal protective equiptment at first-aid medicines sa mga manggagawa na pumasok sa kasagsagan ng bagyo.
Ayon pa kay Baldoz, inatasan na niya ang mga regional directors ng ahensiya na magsumite ng report, kabilang na ang listahan ng mga kumpanya na naapektuhan ng bagyo, at kung anong assistance ang kinakailangan ng mga ito.
May emergency employment funds ang DOLE para gamitin sa pagbibigay tulong sa mga kumpanya na nangangailangan ng tulong.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming
makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk – Mag-usap Tayo, tuwing Lunes,
Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.