Para sa may kaarawan ngayon: Nakatakda sa kapalaran mo ang pag-asenso, pero nakatakda din na ikaw ay mag-sakripisyo. Anomang hirap ang dinadanas ngayon, naka-desenyo na yan sa buhay mo, dahil ang dulo nito – ay malaking pagyaman. Mapalad ang 3, 8, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Intelligam-Om.” Yellow at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa araw na ito kailangang maging maibigin ka. Kung laging in love, mas madali kang susuwertehin at magtatamo ng magagandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhargo-Apoyo-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Upang lumigaya kailangang makuntento. Wag maghangad ng kung ano-ano. Isang simple at masayang pamilya ang hangarin mo, mas magiging maligaya ka. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Molkah-Om.” Green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Ngayong palang pag laanan na ang pagtanda upang kapag sumapit ang panahong iyon wala kang pagsisihan. Sa relasyon, likas na pabago-bago ang damdamin, wag kang maniwala na may pang habang buhay na pag-ibig. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Impune-Om.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Sa mga mababait ka makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket at mapahamak. Piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat na Virgo. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Yellow at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Wag isentro ang isipan sa masikip na sirkulo ng mga kamag-anak at kapamilya. Lumabas bahay at makopagsosyalan. Sa pakikisalamuha sa lipunan, susuwertehin ka sa pag-ibig at sa pinansyal. Mapalad ang 1, 19, 25, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pinansiyal, mare-realize mong madali pala talagang maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag pulutin ang isang nilalang na kakalat-kalat pero wala namang pinag-aralan. Ipapahamak ka lang niya. Mapalad ang 5, 8, 11, 17, 24, at 40. Mahiwag among mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Iwasang lumabag sa kabutihang asal, upang makatagpo ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon. Kapag naging tapat sa iyong pamilya at sa iyong kaisa-isang kasuyo, lalo kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 3, 12, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Ananda-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—May suwerte, upang pagkatapos ay tag-malas naman. Sa ganitong siklo ng buhay, mahalagang mag-ipon. Kapag marami kang pera, ikaw ang magiging panginoon ng iyong mga kapit bahay at mga kamag-anak. Mapalad ang 5, 14, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Gray at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag masyadong paka-isipin ang mga taong pinautang na hindi nagsipag bayad, magkakasakit ka lang. Ang mga manunuba at balasubas ay hindi na uli dapat pautangin. Sa pag-ibig ipatago sa kuripot na kasuyo ang natitirang hawak na pera. Mapalad ang 9, 17, 19, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag umasa sa ibang tao. Ikaw ang dapat dumiskarte upang yumaman. Sa pag-ibig, tumuklas ng bagong inobasyon sa romansa upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Green at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Iwasan ang labis na pagtulong. Sa bandang huli kung sino pa ang pinapautang mo sila pa ang maninira sa iyo. Sa pag-ibig, maganda ka lang at mabait kapag nabibigyan mo ng materyal na bagay ang minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salva-Me-Om”. Blue at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi ka lalapit sa isang kadugo o kapamilya, paano mo malulutas ang problema? Isa isantabi muna ang pride. Sa pag-ibig, upang mabawasan ang takot at pag-aalala, ibahagi sa ito sa iyong kasuyo. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.