Derek, Kris magka-date habang binabagyo ang Pinas


Magkasama pala sina Derek Ramsay at Kris Aquino nu’ng kasagsagan ng bagyo nitong Martes ng gabi. Matapos ngang nagdenay itong si Derek na nagde-date sila ng TV host ay nakita na naman silang magkasama sa isang party.

Sa Instagram account nina Kris at Derek naka-post ang kanilang picture, kasama ang TV host-comedian na si Vice Ganda. Um-attend ang tatlo sa birthday party ni Mayor Len Alonte sa Biñan.

“Sa gitna ng bagyo, we are in Biñan to celebrate @lenalonte ‘s 40th birthday. W/ @ramsayderek11 & @praybeytbenjamin,” post ni Kris. Mensahe naman ni Derek sa kanyang IG account, “It was a fun night with @lovekrisaquino @praybeytbenjamin Happy birthday mayor @lenalonte.”

Dahil dito, kaya mas marami ang naniniwala na more than friends na nga ang dalawa, pilit lang daw nila itong itinatanggi for some personal reasons.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Read more...