UAAP, NCAA, PSL games kanselado dahil sa bagyo

DAHIL sa paparating na bagyong Glenda ay kinansela ang mga laro sa UAAP, NCAA at Philippine Superliga. Nakatakda sanang magsagupa ngayon ang University of Santo Tomas Tigers at University of the East Warriors sa unang laro ng UAAP men’s basketball sa Mall of Asia Arena habang magtatapat sana sa ikalawang laro ang Adamson Falcons at Far Eastern University Tamaraws.

Sa NCAA men’s basketball naman ang mga laro sa pagitan ng Perpetual Help Altas at St. Benilde Blazers at ng San Sebastian Stags at Emilio Aguinaldo College Generals ay hindi na rin matutuloy ngayon sa The Arena sa San Juan.

Na-postpone din ang tatlong naka-skedyul na laban sa PSL All-Filipino Conference volleyball tournament.  Nakatakda sanang maglaban ngayon ang Petron at Cagayan at ang Generika-Army at AirAsia sa women’s division at ang Cignal at IEM sa  men’s division.

Ayon kay SportsCore at PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara ang mga tickets na nabili ng mga fans para sa laro ngayon ay tatanggapin sa mga larong itinakda sa Hulyo 20 sa Cuneta Astrodome.

Inaasahang bubuhos ang malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila sa araw na ito.

Read more...