Kris gustong maging bilyonarya para maging ka-level ang mga Cojuangco


Kris Aquino is a workaholic. There is no doubt that she loves to work, na kahit pagod na siya ay work pa rin siya, ganoon siya magpahalaga sa kanyang trabaho.

But do you know why she’s like that? Meron daw kasi siyang gustong patunayan. Sa mga Cojuangco kasi, according to her, ay sila ang pinakamahirap.

Hindi sila kasing-yaman ng ibang Cojuangco na hindi na kailangang mag-work ang ibang family kasi ubod na sila ng yaman.
‘Yan ang naging motivation ni Kris.

Still on the Queen of Talk, nasulat recently na siya ang dahilan kung bakit natsugi ang anak ni Ai Ai delas Alas na si Sancho sa Pinoy Big Brother.

Okay na sana ang lahat, all set to appear na raw itong si Sancho nang maka-receive sila ng text mula sa production saying na hindi na siya ka-join sa PBB.

At si Kris ang sinasabing nasa likod nito. Siya raw ang culprit. Is this true, Kris? Actually, meron ding chismis na halos lahat ng umalis sa Dos na big stars ay Kris-related daw.

Kris wields so much power daw sa Dos kaya naman ang mga hindi niya feel ay nagagawa niyang paalisin. Look at Willie Revillame. Ginamit daw ni Kris ang sitwasyon noon ni Willie para mapaalis ang TV host.

Then, siya ang pumalit, ang nag-host ng noontime show pero flopey siya. Hindi siya click sa noontime slot kaya naman pinalitan ang show. Is it true na si Sharon Cuneta, kaya umalis ay dahil din kay Kris?

Ang isa pang tila nawalan ng direksyon ang budding career ay si Angelo Patrimonio, anak nina Cindy Conwi at basketball player Alvin Patrimonio.

Papataas na sana ang career ng bata, nakikilala na siya but something happened at bigla siyang nawala sa eksena. Meron bang kinalaman si Kris dito? Anak kasi si Angelo ni Alvin na ex-boyfriend ni Kris.

One thing more, hindi naman pala top-rater ang morning show ni Kris. Nakita namin ang rating nito recently and we were dismayed na single digit lang ito, something like a little over 6% lang.

Wala nga ito sa Top 10 Daytime shows, ‘no!

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Read more...