‘Utang na loob, Hayden Kho!’

Itutuloy na raw ang planong pag-aartista

PARA sa ilan naming friendship, sana raw ay huwag nang mag-artista si Hayden Kho. Sana raw ay tablan naman siya kahit kaunting kahihiyan.

“Hindi ba siya masaya na nasira na niya ang career ni Katrina Halili? Bakit kailangang mag-showbiz pa siya?

Wala naman siyang talent, ‘no! Gumawa na lang siya nang gumawa ng pabango, huwag na niyang guluhin ang showbiz!” mataray na chika ng isa naming kapitbahay.

Balita kasing nagpaplano nang sumabak sa akting si Hayden, kaya nang lumabas ang balita, samu’t saring komento ang narinig namin, at in fairness, mas maraming nagsabi sa amin na tigilan na raw ni Hayden ang ambisyon niyang maging aktor. No, no, no!

Okay, guwapo raw siya at may dating, malakas ang sex appeal, pero until now daw ay galit pa rin sila sa ginawa niya kay Katrina Halili.

Chika pa ng isang nakausap namin na fan ni Katrina, “Ang kapal ng face niya! Utang na loob Hayden, huwag ka nang magpaka-trying hard. Enough!”

Enough talaga, ha! Ha-hahaha! Well, kapag nagkaroon tayo ng chance na makaharap si Hayden Kho, kukunan natin siya ng comment about this! Okay! Cool lang kayo diyan! Ha-hahaha!

Read more...