Kris-Binoe ‘PATAY’ kay Mariel

Kapag nagkaroon daw ng ahasan

Delikado raw si Robin Padilla ngayong annulled na ang kasal nina Kris and James.

Baka raw pagtripan ni Kris si Binoe dahil matagal din niyang na-miss ito.

Hindi ba’t naging sila long time ago kaya lang naputol ang kanilang mainit na romansa before?

Ngayong annulled na ang kasal nina James and Kris, malamang na sisimplehan ni Kris si Robin.

Hindi ba’t pwede namang mag-asawa uli si Binoe dahil nga Muslim siya?

Pero iyan ay kung makakalusot siya kay Mariel Rodriguez na balita ko’y parang si Jawo kung gumuwardiya sa kanyang asawa.

Subukan lang daw ni Kris na sulutin si Binoe kay Mariel at makikita nito ang hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya.

Huwag niyang kalimutang may pagkapalengkera si Mariel at hindi siya sasantuhin ng babaeng ito.

Baka this time ay makatikim siya ng malulutong na mura kay Mariel pag nagkataon. Try lang niya para magkaliwanagan tayo, di ba? Ha-hahaha!

Tsaka, alam n’yo naman kung gaano kamahal ni Mariel si Robin, talagang abot-langit ang pagtatangi niya sa kanyang asawa!

Kaya sure kaming handang lumaban ‘yan.

Read more...