Galaw ng Numero: 8 at 7 ang mahalaga

Dear David,
NAMAMASUKAN ako bilang yaya sa isang mayamang Chinese. Four years  old ang alaga ko.

Pero, nahihirapan na rin ako sa ganitong buhay. Gusto kong magtayo ng maliit na negosyo ko sa pag-uwi ko sa amin.

May konti na akong naiipon. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Ipinanganak ako noong  Setyembre 17, 1979.

Dalaga pa ako. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?  Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa suertres at lotto.
JOSIE NG CEBU CITY


Dear Josie,
HINDI ka nawawalan ng problema. Nakakaranas ka ng serye ng dagok ng buhay. Likas kang malulungkitin.

Taglay mo kasi ang mahiwagang No.8. Wala kang contentment, ibigay man siya ang araw at buwan,  magre-request ka pa rin ng langit!

Sa mga Chinese at sa negosyo, gustong- gusto yan ng mga businessmen—kasi’y wala silang pagbagsak at patuloy na patuloy na nagpapalawak ng negosyo.

Konsentrasyon ang susi sa iyong pag-unlad at kailangan mong maipokus nang todo ang iyong mithiin upang makaangat ka sa pinakamatayog na antas ng pananagumpay.

Buwenas ka sa agribusiness kaya’t maaari kang mag-alaga ng baboy, manok, itik o magtanim ng gulay—diyan ka bubuwenasin.

Makakapag-asawa ka rin ng isang lalaki, mahina ang loob at torpe—ikaw ang magtatrabaho nang todo pero uunlad kayo!!!

Taglay mo rin ang mahiwagang No.7. Kailangang maging aktibo ka sa mga religious activities upang makalmante ka at makapagdesisyon lagi ng tumpak.

Kulay itim at berde ang buwenas mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2014 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan at pag-aasawa.

Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Sa suertres, isama mo sa No.8 at No. 2 ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-30-34-37-40-42.

ASSET tips:  6-8-2/ 1-5-8/ 8-2-3. Wiretips; 3-2-4/ 7-3-6/ 1-3-7. Double digit; 3-8/ 4-2/ 8-9. Luzon guide: 3-6-11-18-23-26-34-37-40-42. VisMin: 1-3-11-18-20-24-30-35-37-40-42. MegaLotto: 1-3-11-19-23-24-25-34-35-36-40-42. Grand Lotto: 3-6-12-14-23-26-34-37-40-44-50-53. Four Number; 3-6-8-1/ 7-8-2-8/3-2-3-2.

Read more...