“I love the tranquility here,” ani John, na ang pinatutungkulan ay ang makikitang mga pabo na naglalakad sa kalsada at marami pang mga alitaptap na makikita kapag gabi.
Si John ay miyembro ng jury ng reality show ng GMA 7 na “Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.”
Noong lumipat sila sa lugar 17 taon na ang nakakaraan ay hindi umano kaiga-igaya na tumira rito dahil sa mga matataas na damo at napakatahimik na gabi.
Pero mabilis umano ang naging pag-unlad ng lugar dahil sa pagsulputan ng mga malls sa labas ng kanilang village gate.
“My grandmother, who’s based in the United States, loves it here. She would just walk to the mall,” ani John.
MASYADONG MALAKI
Naalala niya noong siya ay bata pa, napakalaki ng tingin niya sa kanilang bahay lalo at mataas ang kisame nito. “I’d get dizzy just looking at the chandelier.”
Pero ngayong siya ay 24-anyos na at may taas na anim na talampakan, hindi na ganito ang sitwasyon.
Palipat-lipat si John sa Estados Unidos at Pilipinas noong siya ay teenager. “When I was in high school, I often spent summer vacations in Los Angeles, where my father’s mom and other relatives live.”
Ang kanilang bahay sa Cavite ay puno ng mga souvenirs ng kanyang pamilya mula sa kanilang biyahe sa US, Hong Kong at Japan.
At dahil lumaki siya sa dalawang kultura, naranasan umano niya ang kagandahan ng dalawang bansa.
“In the United States, you learn to be independent and to mingle with different kinds of people,” paliwanag niya. “But it’s really more fun in the Philippines. All my friends are here.”
Para sa kanya ang kanilang bahay sa Cavite ay pananatili sa healthy lifestyle. Tatlumpung minuto lamang ang layo nito sa Makati at mada-ling puntahan mula roon ang Alabang at PhilSports Arena, Pasig.
“The reason we moved here was, it had become too polluted and congested in Manila. Here, there are lots of open fields. I grew up close to nature.”
Noong siya ay nasa kindergarten, si John at ang kanyang ina ay naglalakad lamang papunta sa eskuwelahan. Ngayon siya naman ay tumatakbo paikot sa kanilang village.
Sumasali rin siya sa Youth Olympics noon. “I was seriously into sports: Taekwondo, track and field, basketball, boxing.”
Marami siyang napanalunang medalya sa palakasan.
Nang mag-kolehiyo, ang kanyang kaibigang Austrian na si Stephen Chase ang yumaya sa kanya na maglaro ng rugby.
At dalawang taon na ang nakakaraan ay nakasama na siya sa Philippine team, Volcanoes.
Mayroong iba’t ibang sports ang kanilang pamilya. Ang kanyang ama na si Ricardo ay naglalaro ng golf, ang kanyang ina naman ay nanalo na sa iba’t ibang dart tournaments.
‘SURVIVOR’ CHALLENGE
Aminado si John na dismayado siya sa pagkakatanggal niya sa Survivor. At hindi rin niya gusto ang tingin sa kanya na gagawin ang lahat para manalo. “It’s just that I’m compe-titive. I was really into the game.”
Si John ay isang self-confessed homebody. “I sometimes go out at night, but I’m no party animal.”
Ang tipikal na gimik niya kapag gabi ay uminom ng beer kasama ang kanyang mga kaibigan sa pub o sports bar.
Nasanay na siya na mag-isa pero hindi naaawa sa kanyang sarili. “I could just sit in the living room strumming my guitar or playing video games, or reading.”
Nagbabasa siya ng iba’t ibang libro mula marketing hanggang business books.
Pwede rin na nasa harap lamang siya ng telebisyon maghapon at nanonood ng mga pabrito niyang cable channels—ESPN, Discovery at National Geographic.
Kung libre, siya ay nasa gym. “I try to work out at least three times a week,” he says. “But when we have a game, I make it four times. I’m into heavy weights. Plyometrics.”
Sa kanyang kuwarto ay nakikita ang mga bagong magwheels ng kanyang sasakyan.
Mayroon ding wind ornaments na may kulay ng Philippine flag na nabili niya sa gilid ng kalsada sa Tagaytay, na nakasabit sa bintana. Naglagay din ang kanyang nanay ng ilaw sa gilid ng kanyang kama.
Ang buong pader ay mayroong graffiti art na gawa ng kanyang kaibigang si Lee Salvador. Mababasa sa artwork ang: “Riot is the voice of the unheard.”
“Lee did it on the spot,” ani John. “The doodle looks so cool.”
Ang mga litrato ng mga makasaysayang laro ay makikita sa iba’t ibang sulok ng kabahayan. Isa na rito ang laro ng Philippine Volcanoes sa Taj Mahal matapos ang laban sa India.
Isa pang litrato ang paglalaro ni John kasama ang mga dayuhan sa Subic. “That was the day I got drafted into the Philippine team.”
Ang ikalawa sa tatlong magkakapatid (at nag-iisang lalaki), namumuhay si John ng kung paano niya gusto.
Ang nakatatanda niyang kapatid na si Abby ay mayroon ng sariling pamilya, ang kanyang bunsong kapatid na si Sofia ay nakatira naman sa LA. Ang kanya namang mga magulang ay nahahati ang oras sa LA at Cavite.
Tuwing umaga, si John ang naghahanda ng kanyang almusal.
FOUR-LEGGED FRIENDS
Kasama ni John sa kanyang bahay ang kanyang mga four-legged friends. “Our favorite is Wayne the chow chow,” aniya.
Si Wayne ang pet ni Sofia pero inampon siya ni John ng ito ay umalis.
Ang hunk ay isa ring registered nurse. “My original plan was to practice nursing in the United States.”
Nakapasa siya sa US board exams at isang certified Advanced Cardiac Life Support provider.
Alam niya ang pasikot-sikot sa emergency room pero nagpapasalamat na rin dahil hindi niya kinailangang gamitin ang kanyang nursing skills sa mga kasama sa Survivor.
Ang pinakagrabeng nangyari sa isla ay ng makagat ng ahas si Stef Prescott, ani John. “I had been in that situation before, so I didn’t panic,” aniya. “I just carried her to the paramedics.”
Ang hindi madalas makitang bahagi ni John ay ang kanyang pagkahilig sa musika. “Aside from singing, I’d like to try acting, too.”—Text at photos mula sa Inquirer