MMFF, Vice Ganda napahiya kay ER Ejercito


KAHIT anong iwas ko sa nakatampuhan kong actor-politician na si dating Laguna Gov. ER Ejercito last Sunday sa Solaire during the FAMAS Awards Night, nagkrus pa rin ang aming landas.

Hindi ko na siya naiwasan nang makaramdam ako ng call of nature (naiihi ako that time) at nandoon din sa CR si Gov. ER. Hinila ako ni kafatid na Wendel Alvarez dahil tinatawag daw ako ni Gov. ER.

Magkasama kaming tatlo ni Richard na pumasok sa CR para makaulayaw muli ang naging best friend at anak-anakan kong pulitiko. Ha-hahaha!

Sa totoo lang, habang nasa loob kami ng ballroom earlier, hindi alam ni Gov. ER kung anong saya ang naramdaman ko nang i-announce silang dalawa ni KC Concepcion bilang Best Actor and Best Actress respectively for their sterling performances sa pelikulang “Boy Golden”.

Pero hindi ako nagpahalata ng sobrang pakagalak that moment dahil nandoon pa yung ka-echosan ko coz hindi pa kami bati, ‘no!  Kaartehan ko lang kumbaga. Pero deep inside my heart, I took so much pride sa pagkapanalo nila.

Ha-hahaha! Binulungan ako ni Gov. ER na sumunod sa isang resto sa Malate. Since wala akong dalang sasakyan that time, instead na mag-taxi kami, nagmagandang loob si kaibigang Lito de Guzman na ihatid kami para makasama for a while sina Gov. ER and Mayor Maita Ejercito.

Hayun na – inuman kami to the max. Ang dami kong beer (in can) na na-consume – celebration na iyon ng pagbabati namin kasi. Nakakaloka! Akala ko ay nakaligtas na ako sa dati kong work for Gov. ER – ang pag-aasikaso ng press dahil wala na naman kami officially, di ba? Pero hindi rin – sinenyasan niya akong ilista ang names ng press friends namin.

Ang ending – same old story pala ang role ko. Parang ibinalik niya ng casual ang dati naming relationship. Ha-hahaha!
“So, puwede na akong kumain sa bahay ninyo? Puwede na kitang araw-arawin sa bahay ninyo dahil hindi na ako pulitiko. Ha-hahaha!” aniya na magpapaluto daw kay Nang Miling ng tuyo at itlog.

Tawanan na lang kami habang nag-iinuman. Anyway, we knew naman how Gov. ER and KC worked hard for “Boy Golden” na tanging Best Float lamang ang napanalunan sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Pero dito sa FAMAS, nakaanim na awards ang movie nila: Best Actor, Best Actress, Best Cinematography (Carlo Mendoza), Best Production Design (Fritz Silorio and Josel Bilbao), Best Music (Carmina Cuya), Best Theme Song (Abra) and Grand Award of Excellence for Gov. ER sa public service.

In short, vindicated na naman si Gov. ER sa pang-iisnab sa kanila ng MMFF na nabubuhay lamang sa anino nina Kris Aquino and Vice Ganda. Si Vice na nanalong Best Actor sa PMPC ay hindi man lang na-nominate sa FAMAS.

So, that’s speaks of it, di ba? Ang mahalaga, nanalo ng maraming awards ang “Boy Golden” kaya wala na namang paglagyan ng obrang kaligayahan ang mahal nating ex-governor ng Laguna na si ER.

“Ito’y isang regalo mula sa Panginoon. Isa yata ito sa mga ipinalit Niya sa pagkatanggal sa akin sa pulitika. Amen!” ani Gov. ER na lalong gumuwapo at fresh-looking ngayon. Congrats! Mwah!

( Photo credit to EAS )

Read more...