Ilong ni Toni Gonzaga retoke kaya laging makapal ang make-up


May nagbulong sa aming mas halata raw ang retoke sa ilong ni Toni Gonzaga pag wala itong make-up. Parang may hiwang kung ano sa gilid ng kanyang nose kaya ingat na ingat daw si Toni tuwing lumalabas na siya ng bahay nila.

Kailangang may nakapahid nang make-up or something sa part na iyon ng kaniyang ilong para hindi mapansin. “Retokada naman talaga ang babaeng iyan, eh. Hindi naman krimen ang pagpaparetoke, di ba?

Ano ba naman ang aminin na lang niyang may ginawang enhancement sa mukha niya tutal kitang-kita naman ito pag kinumpara mo ang pictures niya noon sa ngayon.

Artista siya at sabi nga’y puhunan ng mga katulad niyang artista ang ganda – unlike kina Pokwang at Kiray na hindi ganoon kahalaga sa kanila ang ganda dahil mga komedyana sila.

“Hindi sila nag-iilusyong mga beauty queens sila, yung ganoon. Subukan ninyong sipatin ang bandang ilong ni Toni pag kaharap niyo siya. Kung pumalag siya, i-dare niyo siyang humarap sa inyo ng walang make-up para magkaalaman na.

Ha-hahaha! I-dare talaga?” ang biro ng isang kakilala naming malditik. Inaano ba kayo ni Toni? Bakit pinagdidiskitahan ninyo siya? May issue ba kayo with her?

“Kasi nga, nagsusuplada siya pag nagpapa-picture ang fans sa kaniya. Feeling niya youngstar pa rin siya o nagpapaka-Megastar minsan. Hindi na siya yung dating Toni na charming.

Tsaka nakakatawa ang mga mata niya lately, lalong nahahalata ang problema niya sa eyes. Kasi nga, nagmamaldita kaya hayan, napapansin tuloy ang mga nega sa kaniya,” sabi ng isang di naman namin kilala.

Grabe naman kayo kung umalipusta kay Toni. Nagtatrabaho lang naman ang tao, kung anu-ano na ang pinagsasabi ninyo. Sa amin kasi sa Iloilo, hindi duling ang tingin naman sa kanyang mata, iba yung duling.

Tawag sa amin diyan ay “manok-manokon” – and some men find that very sexy of a women with those pairs of eyes.

( bandera.ph file photo )

Read more...