Wenn Deramas binastos ng Noranians, nilait ang ‘Praybeyt Benjamin 2’ ni Vice


DINATNAN namin sa set ng “Maria Leonora Teresa” ang box-office director na si Wenn Deramas kasama ang kanyang “Boss.” Si Boss ay ang bagong inspirasyon ni Direk Wenn.

Ito’y sa gitna nga ng tsismis na nagkabalikan sina direk Wenn at ex-partner niya na si DJ Durano. Umugong ang tsika nu’ng mapasama muli si DJ sa part two ng pelikula ni direk, ang “Moron 5” ng Viva Films.

Ang bida sa “Moron 5” na kasama ni DJ ay sina Luis Manzano, Marvin Agustin at Billy Crawford.  Habang pinalitan naman ni Matteo Guidicelli si Martin Escudero.

Nalokah naman ang kaibigan ni direk Wenn na nakabasa ng mga panmba-bash sa Twitter sa box-office director. Ang friend kasi ni direk Wenn ang nakabasa at ikinuwento naman sa kanya.

Bina-bash daw ng Noranians si Direk Wenn, pati na rin daw si Vice Ganda dahil sa pagkakalaglag ng movie ni Nora Aunor na “Whistleblower” sa official list of entries sa 2014 Metro Manila Film Festival sa December in favor of their entry “Praybeyt Benjamin 2”.

“Hindi ko kasalanan kung malaglag ang ‘Whistlelower’. Hindi ako ‘yung namimili. Pare-pareho lang kaming nag-submit. Pinalad kami. Hindi sila pinalad. Hindi ko kasalanan ‘yun.

At hindi dapat sila naninisi sa mga pumasok. Dahil pare-pareho lang naman kami ng intension, e, ang sumali sa film festival,” esplika ni Direk Wenn.

Baka hindi raw alam ng mga Noranian na solid fan din ng Superstar ang yumao niyang ina, “Pinalaki akong Noranian ng nanay ko. Every interview sinasabi ko naman ‘yun. Kung alam lang nila kung gaano ko nirerespeto si Ate Guy.

At siya pa ang nagre-request sa akin for MMK (Maalaala Mo Kaya) niya bago siya umalis ng bansa. Siguro naman kung alam ni Ms. Nora Aunor na pipitsugin akong direktor, hindi naman siya papadirek sa akin.

Hindi siya magtitiwala, ‘di ba? So, huwag ganoon,” sabi niya.Dagdag pa ni Direk Wenn, “Hindi rin nila alam ang relationship ko kay Ate Guy. Wala akong pwedeng sabihing hindi magandang experience kay Ate Guy during Bituin.

Dahil sobra-sobrang respeto at pagmamahal ang ibinigay ko kay Ate Guy.”So, ibig sabihin, hindi nila ako kalaban. Kakampi ako ng mga Noranian. Nanay ko sobrang Noranian. Hindi ka kakain, kapag bisita ka, kapag siniraan mo si Nora Aunor.

Alam ni Ate Guy ‘yan, naikwento ko sa kanya lahat. Lahat ng pelikula niya napanood ko,” lahat pa niya. Pero kung tinatrato nga naman si Direk Wenn ng ganyan ng Noranians, siya na lang daw ang iiwas.

“Maski paano, kunwari meron akong limang libo na kamag-anak na mabubuyo ko na, ‘Oy, manood kayo (ng movie ni Nora). Susunod, ‘di ba?’ Kahit kami nina Vice (Ganda), ni Ai Ai (delas Alas), pwede ‘yun, e.

Magtulungan tayo dahil pare-pareho naman kaming naniniwala sa galing ni Ate Guy. Pero kung ganyan ang ginagawa nila, maingay lang sila pero hindi  naman sila ‘yung pumupuno ng mga sinehan, na kailangang-kailangan ni Ate Guy nowadays, huwag ganoon.”

And speaking of Vice, sa July 21 na ang start ng shooting nila para sa “Praybeyt Benjamin 2.” Nais ni Direk Wenn na masimulan na ang mga bagong projects niya kabilang na ang movie ni Vice for MMFF.

Nakatakda ring simulan ngayong buwan ni Direk Wenn ang bago niyang fantaserye sa ABS-CBN, ang Inday, Inday sa Balitaw nina Sharlene San Pedro at Jairus Aquino.

Kasalukuyan namang tinatapos ni Direk Wenn ang kauna-unahan niyang horror film, ang “Maria Leonora Teresa.” Kasabay nga nito, ginagawa rin niya ang sequel ng “Moron 5”.

Pero tumigil daw muna sila dahil sa schedule ng mga artista niya.“Magre-resume kami kapag dumating na ang limang Moron. ‘Yung limang Moron talaga ay sakit ng ulo ko. ‘Yung schedule nila hindi nagtutugma-tugma.

Aalis papuntang Amerika ‘tong isa, pupunta naman ng Amsterdam ‘yung isa. Hay!!!” buntong-hininga ni Direk Wenn. Sa October ang showing ng “MLT” kaya malamang daw sa September ang “Moron 5.” Pagkatapos, sa Enero niya sisimulan ang pelikula nila ni Ai Ai na ang concept ay parang “Tanging Ina” pa rin under Star Cinema.

( Photo credit to EAS )

Read more...