Sarah tinakot ang magulang kaya pumayag maging dyowa si Matteo


Tila meron pa ring “wall” sa pagitan ni Matteo Guidicelli at sa nanay ni Sarah Geronimo na si Divine. Ayaw pa rin kasing magsalita ng hunk actor kung okay na ba sila ng parents ng Pop Princess na balitang tsina-challenge siya bilang boyfriend ng kanilang anak.

Nabasa namin ang latest statement ni Matteo about Sarah, he said, super happy siya sa relasyon nila ng kanyang GF, specially sa mga positive comments ng netizens sa pag-amin nila ng aktres-singer sa kanilang relasyon.

But when asked about Sarah’s parents, ayaw nang magsalita ni Matteo. Sa kanya na lang daw ‘yun. And with this, we feel na hindi pa rin boto si Divine sa binata.

Pero wala na lang silang magawa dahil baka tinakot na sila ng anak. Baka nga magrebelde na, di ba?

( bandera.ph file photo )

Read more...