Mikael Daez pinakamaswerteng Kapuso, 4 na ang show sa GMA


KUNG may isang maswerteng male celebrity sa Kapuso network, ‘yan ay walang iba kundi ang hunk actor na si Mikael Daez. Imagine, magiging apat na ang programa niya sa GMA 7 at posibleng madagdagan pa.

In fairness, deserving naman ang TV host-actor sa mga blessings na dumarating sa buhay niya dahil isa siya sa mga Kapuso stars na hindi man lang nasasangkot sa anumang iskandalo o mga negatibong intriga, kaya naman good karma lagi ang dumarating sa buhay niya.

Sa pocket presscon na ibinigay ng GMA kamakailan para sa bago niyang proyekto, ito ngang fantasy series na Ang Lihim ni Annasandra kung saan makakasama uli niya ang Kapuso actress na si Andrea Torres with kontrabida hunk actor Pancho Magno, nagpasalamat si Mikael sa tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA at ng kanyang mga loyal fans.

Bukod sa Ang Lihim ni Annasandra, mapapanood si Mikael sa “Midnight Express” segment ng news programa na Saksi, regular din siya sa gag show na Bubble Gang at kasama rin sa Sunday sitcom nina Carla Abellana at Ryan Agoncillo na Ismol Family.

Inamin naman ng binata na medyo kinabahan siya nang i-offer sa kanya ang bagong afternoon series ng Siyete, “Well, natakot ako nang konti sa schedule ko pero excited ako kasi I haven’t done drama since Adarna (with Kylie Padilla).

Pero very excited ako kasi maganda na may variety yung linggo ko. May gag show, may sitcom, may drama, may kain, at konting hosting.”

Samantala, malapit na silang mag-taping para sa Ang Lihim ni Annasandra na sabi nga ni Mikael ay inspired ng Hollywood movie na “Twilight”, “Oo nga e, parang napansin ko nga na may pagka-Twilight yung tema namin, e. Baboy ramo nga lang ang peg namin dito.”

Pero mortal daw ang karakter ni Mikael sa serye kaya hindi siya kasama sa mga magta-tranform at maghuhubad tulad ng gagawin nina Andrea at Pancho. Pero kung ire-require raw sa kanya ng kanilang direktor na magpakita ng katawan.

Tungkol naman sa sinabi ni Pancho na bubuwagin niya ang matibay na loveteam nila ni Andrea, “Go, go go! I think that’s good. I think kaya nga. Okay yung cast na ito kasi very focused and determined and para sa akin…iyon nga sinasabi ko lagi before a teleserye.

“Pag maganda yung chemistry ng cast, pag maganda yung working attitude at pare-pareho, on the same page kumbaga, parang maganda yung kutob ko sa show,” paliwanag pa ni Mikael Daez.

( Photo credit to EAS )

Read more...