KC Concepcion panggulo lang sa loveteam nina Kim at Coco


KC Concepcion is now in town and her recent contract signing with ABS-CBN  is a welcome news to her fans. “I’m humbled & thankful for this new blessing. MARAMING SALAMAT, KAPAMILYA! To my family, the bosses, Dreamscape fam, K-Team & supporters who are always with me every step of the way- for each new role, appearance, endorsement, magazine cover & adventure – it’s because of YOU that I get to continue working hard for a dream I’ve had since I was little.

“Because of you, I get to do this job that I love so much. To God be the Glory babiez! Stay fresh! Stay inspired. xx, K,”  KC said in an Instagram photo. Yes, balik sa primetime si KC but as it is, mukhang hindi naman big deal iyon para sa kanyang supporters.

Bakit? Kasi naman, parang ginawang panahog lang ang beauty ni KC sa teleserye nina Kim Chiu at Coco Martin. Papasok kasi ang dalagang anak ni Sharon Cuneta sa book 2 ng soap nina Kim at Coco and this early, many are predicting na halow magiging saling-pusa lamang ito.

Tama ba ang chikang nakarating sa amin na magiging ka-love triangle siya nina Kim at Coco? Anyway, some of her fans have expressed their disappointment when they learned about it.

“Kawawang kc..extra na lang haha.”
“Ay nako, panggulo lang xa dun.”
“Sana they will treat u well diz time.”

‘Yan ang ilan sa mga mensaheng aming nabasa na nagpakita ng pagkadismaya ng ilang fans sa pagpasok ni KC sa soap nina Coco and Kim.

Teka, bakit nga ba hindi bigyan ng ibang primetime soap si KC? Hindi ba naniniwala ang Dos sa kakayahan niyang magdala ng sarili niyang teleserye?

Hindi ba’t nakakaloka na nagbalik pa siya ng Pilipinas para lang maging halos extra? ‘You don’t do that to a MEGA DAUGHTER!!!

( bandera.ph file photo )

Read more...