Pokwang nag-iiyak, inalala ang namatay na anak | Bandera

Pokwang nag-iiyak, inalala ang namatay na anak

Ervin Santiago - July 15, 2014 - 03:00 AM


HINDI na naman napigilan ni Pokwang ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang namatay niyang anak ilang taon na rin ang nakararaan.

Sa Kris TV kahapon muling napaiyak ang komedyana habang inaalala ang panganay na anak na si Shin, na namatay noong limang taong gulang pa lamang ito dahil sa brain cancer.

Nasa ibang bansa siya nang sumakabilang-buhay ang anak kaya ganu’n na lang ang sakit na naramdaman niya bilang isang ina. “June kasi ako umalis, pero August nu’ng pina-CT scan siya. Doon na nakita.

Then September 23 namatay na siya. Pareho kami ni mommy na bigyan mo kami ng lakas ng loob kasi may isang anak pa,” ani Pokwang na ang tinutukoy ay ang guest ni Kris Aquino sa kanyang morning show na si Florita Chua na namatayan din ng anak.

Ayon kay Pokey, hinding-hindi makakalimutan ng isang ina ang kanyang anak na namatay na, lalo na kung ito’y pumanaw sa napakabatang edad, “Sobra kapag magbi-birthday siya, lalo na kapag Pasko – December 4 kasi ang birthday niya. Dumating kami sa panahon na parang ayaw na naming mag-Pasko.”

Sey pa ni Pokwang, ang maagang pagkamatay ng kanyang anak ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang pagprotekta niya sa kanyang nagdadalaga nang anak na si Ria Mae.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending