Pangarap ng kabit

Sulat mula kay Xandra,  ng Jamindan, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Bata pa ako ay pangarap ko nang ihatid ng aking ama sa aking mapapangasawa sa loob ng simbahan.  Ako’y nagkaisip sa paligid na hindi na nagpapakasal ang mga babae’t lalaki at nagsasama na lang.  Hanggang sa naisumpa ko sa dabarkads na hinding-hindi ako magiging kabit.  Hanggang sa kinain ko ang aking sinabi.  Noong una ay okey lang dahil sa akin umuuwi ang kinakasama ko.  Huli na nang malaman kong may asawa siya at may pamilya sa malayong bayan.  Nang malaman ko ito ay hindi ko na pinaiinit ang pakikitungo sa mga kapitbahay.
Alam kong kapag iniwanan ako ng kinakasama ko ay gagana ang kanilang matatabil na dila.  May kutob ako na magkakahiwalay na kami.  Meron pa bang binata na pakakasalan ako?  Pangarap ko talagang makasal sa simbahan.
Umaasa,
Xandra, ng Jamindan, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw naman ang marriage line sa palad mo, at taglay nito ang hugis bilog sa unahang bahagi (Illustration 1. Arrow 1).  Ang bilog ay di karaniwan at iilan lang ang meron nito. Nangangahulugan ito na di karaniwan ang mararanasan mo sa umpisa ng pag-ibig, tulad ng nagaganap sa iyo ngayon.  May gulo, may sigalot, lalo pa’t di ka niya tunay na asawa.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Three of Hearts, at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit na ikaw ay kerida lamang ngayon, marami ka namang nagiging pera at marami ka pang mahahawakang pera o materyal na bagay na dapat mong sinupin, upang sa sandaling magkahiwalay kayo ng lalaking kinakasama mo ngayon ay makapag-establish ka ng sarili mong yaman o magkaroon ka ng sariling financial stability. Itutuloy

Read more...