KC, Paulo matagal nang magdyowa, pinaglalaruan ang press


Kahit kami ay naniniwalang magsyota na talaga sina KC Concepcion and Paulo Avelino. Kumbaga, na-realize naming pinaikot lang ng dalawa ang members of the entertainment press regarding the “basted” issue kuno ni KC kay Paulo.

Di ba’t napabalitang sumunod si Paulo noon kay KC sa New York at may chika pang ipinagluto niya si KC and they went barhopping?

Pero noong umuwi rito si Paulo sabay ang pagpapalabas nila ng kiyemeng binasted siya ni KC kaya lungkot-lungkutan ang drama ng aktor-aktorang ito. Then, natsismis bigla si KC na nabuntis at nagpalaglag itinanggi ito ng dalaga.

Hindi pa nagtagal ay umuwi na rito si KC at ang sabi naman ay nag-date sila ni Paulo sa Baguio recently – silang dalawa lang, ha. Bonding to the max daw ang dalawa.

Ngayon ay papasok daw si KC sa Book 2 ng Ikaw Lamang kaya she has to stay. Iyon naman ang latest nilang drama. Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya babalik sa New York to study, di ba iyon ang unang press release nila – that she studies in New York?

“Obviously, kaya siya umuwi para sundan si Paulo, ‘no! Mga pa-echos lang nilang binsated niya si Paulo pero halata namang siya ang naghahabol kay Paulo.

“Kaya huwag kayong magulat kung mabalitaan ninyong mabuntis nga iyan ni Paulo dahil kung nasaan si Paulo ay sunod naman nang sunod iyan KC na iyan.

Kung hindi ko pa alam,” sabi ng isang dating maka-KC pero mukhang nawala na rin ng gana sa aktres dahil sa pagiging echosera raw. Well, iyon na lang daw ang nasabi ko. Ha-hahaha!

( Photo credit to EAS )

Read more...