Enchong umamin na: Meron na akong girlfriend, Pinay siya!


May girlfriend na raw si Enchong Dee. Non-showbiz daw ang girl at ayon mismo sa Kapamilya actor, mag-iisang taon na rin silang magkarelasyon.

Sey ni Enchong hanggang sa pag-amin lang din muna ang pwede niyang gawin ngayon at wala siyang balak pangalanan o magdetalye kung paano sila nagkakilala at nagkagustuhan.

Basta ang sabi ni binata, masaya siya sa lovelife niya ngayon at sana raw ay mapanatili niyang low key at tahimik ang relasyon nila ng bagong girlfriend na isa ring Pinay.

( Photo credit  enchong dee official fanapage )

Read more...