Maja sinorpresa ni Gerald: Sobrang swerte ko po, grabe niya ako protektahan!


SINORPRESA ni Gerald Anderson si Maja Salvador sa concert nitong “Maj: The Legal Performer” sa Music Museum last Saturday. Bigla itong umapir sa stage bago matapos ang show.

Kinilig ang audience sa ipinakitang sweetness ng dalawa, lalo na nang yakapin ni Gerald ng mahigpit ang singer-actress.
“Thank you, gusto po lang po i-share na madamot man po kami sa mga interviews namin o saan man pero masaya po ako na grabe niya ako protektahan.

Kung pwede ko lang po sabihin detalyado pero sa amin lang po yun. Pero napakaswerte ko po, sobrang swerte ko po,” chika ni Maja.

Hindi raw talaga alam ni Maja na darating si Gerald dahil ang alam niya may taping pa ang binata para sa huling linggo ng serye nitong Dyesebel, “Hindi, hindi po namin na pag-usapan kasi po sobrang ngarag din ako at siya every day may taping ng Dyesebel.

Alam ko kanina may rehearsal pa siya pero siyempre happy din ako.” Nakiusap naman sina Maja at Gerald sa publiko na sana’y irespeto na lang ang kanilang desisyon na manahimik tungkol sa kanilang relasyon para maprotektahan na rin ang kanilang private life.

( Photo credit to maja salvador official fanpage )

Read more...