MARAMI rin ang nalulungkot dahil last day na today ng masayang noontime show ng ABS-CBN – ang Happy Yipee Yehey.
In fairness to this show, maganda naman ang naging pagtanggap ng audience sa kanila. Sayang nga lang at kailangan na nitong magpaalam today.
Papalitan na sila ng It’s Showtime starting Monday, Feb. 6.
“Between HYY and It’s Showtime, mas feel ko ang HYY for a noontime variety.
Kasi nga, parang wala naman bago sa Showtime.
Nakakasawa na ang style ng mga hosts, sa tagal na nito sa ere, natural na nakakasawa na rin.
Sana ay lalo na lang nilang pinaganda ang ibang segments ng HYY kesa tinigbak.
Sayang talaga,” anang isang kaibigan namin na tutok na tutok pala sa HYY simula pa nang mag-start itong umere sa ABS.
“Hindi dapat nakipag-compete ang ABS-CBN sa rating ng Eat Bulaga dahil mahihirapan talaga sila.
Sana pinaganda na lang nila ang HYY, konting linis lang sa programa, bongga na.
What is important ay nakakapagbigay sila ng matinong show sa mga manonood,” sabi naman ng isang nakausap namin.
Oo nga, may point sila. Ako rin ay parang hindi happy sa ipapalit nilang show starting Monday.
Sawang-sawa na kami sa kaetchosan nina Jhong Hilario at Vhong Navarro.
Package deal ba ang dalawang iyan? Akala ko kasi, si Vice Ganda lang ang judge na hindi matatanggal, pero si Jhong din pala.
Wala namang ginawa kundi ang tumalon nang tumalon.
Nothing personal on Jhong (I adore his talent as an actor!), I just find him off the show for the longest time.
Nu’ng umpisa ay oks lang pero nu’ng tumagal na, parang nakakasawa na rin.
Mas gusto pa namin si Ryan Bang na balita’y magiging regular na sa It’s Showtime.
Anyway, good luck na lang sa kanila starting Monday sa ABS-CBN, pero kami ay tunay na nalulungkot sa pagkawala ng HYY. Honest!