Willie type umapir sa Eat Bulaga

True kayang gustong asarin ang Showtime ng ABS?

Natawa kami sa nabasa naming item where it said na gusto raw bumisita ni Willie Revillame sa Eat Bulaga sa Monday, Feb. 6.

Gusto raw nitong maglaro sa Pinoy Henyo segment.

Clearly, kung totoo ngang gustong gawin ito ni Willie, malaking issue ang magiging kapalit nito.

Para kasing until now ay ipinapakita pa rin ni Willie na galit pa rin siya sa ABS.

Sa araw kasing iyon ay ilo-launch ang bagong noontime show ng Dos, ang Showtime na papalit na sa Happy Yipee Yehey.

Why until now ay hindi pa rin maka-move on itong si Willie sa nangyari sa kanyang noontime show is still a big wonder to us.

Nakakaloka naman kung gagawin nga niya ang nasulat dahil gagamitin pa niya ang show nina Tito, Vic & Joey para lamang umingay siyang muli.


Kung sabagay, malamig na malamig na yata ang dating ng name ni Willie ngayon.

Hindi na siya gaanong pinag-uusapan.

Except for stories na muli siyang bibili ng private plane at may mga pinapatayo siyang buildings ay wala ng interesting kay Willie ngayon.

Ay, meron pa pala. Nabasa pala namin na may hinanakit ang dating tagapagtanggol niyang mga reporters dahil hindi sila naambunan ng biyaya noong Christmas.

Naging mahigpit na raw kasi ang namamahala kay Willie ngayon at naapektuhan ang mga manunulat na close sa kanya dahil hindi na sila nabiyayaan noong Christmas.

Ang sabi, nagbigay raw ng malaking halaga ang TV host sa Sendong victims kaya nawala ang para sa kanila.

Read more...