Nakipagbati na raw si Kim kay Bea dahil ayaw niyang may kaaway sa pagsapit ng Bagong Taon.
Nakita niya ito sa isang event at nilapitan niya ang dyowa ni Zanjoe Marudo para mag-“Hi!”. Bagama’t medyo nagulat, naging positive naman ang response ni Bea at nagkausap sila kahit saglit lang.
Kailangan na kasi silang mag-perform noon.
Ang sabi ni Kim, wala naman talaga silang away ni Bea.
Nagkaroon lang ng awkward moment sa kanilang dalawa nang matsismis na nanliligaw noon si Gerald Anderson sa dalaga.
Lalo pa silang nag-iwasan nang uminit ang tsismis na dyowa na ni Bea si Gerald.
Hindi nga ba’t naging magulo ang senaryo sa pagitan nina Kim at Gerald?
Nakialam pa ang fans na lalo pang nakadagdag sa gulo.
May mga nagbanta pa nga kay Bea na sasabuyan ng asido ang kanyang mukha.
Binash pa ang dalaga sa mga social networking sites.
Actually, ito ang mga dahilan kung bakit napilitan na rin si Bea na makipaghiwalay kay Gerald sa isang show nila sa Europe.
But now, masaya na si Kim dahil wala na siyang dinadalang burden.
Naka-move on na rin naman siya sa nangyari sa kanila ni Gerald.
Alam niyang hindi na maibabalik ang dati nilang samahan ng actor.