One on One with Lauren Young: Anong pakialam ng mga tao sa problema ko?


“MAS mabait ang ate ko, mas mature siya – ako I’m the rebel type!” Ito ang inamin ng Kapaso actress na si Lauren Young sa one-on-one interview ng BANDERA sa kanya kamakailan.
Matalino, malalim at matapang pala sa tunay na buhay si Lauren, wala siyang inurungang tanong, lahat game na game niyang sinagot, pati na ang isyu sa pagiging gimikera niya umano, kabilang na ang pag-inom ng alak.
Narito ang kabuuan ng aming panayam kay Lauren Young.

BANDERA: Grabe ang ginawa n’yong kissing scene at love scene ni Richard Gutierrez sa pelikulang ‘Ovetime’ ng GMA Films, na-shock talaga ang ate mong si Megan Young.  Nakatakip daw ang mga mata niya habang ipinalalabas ‘yung mga maiinit n’yong eksena ni Richard Gutierrez, ano’ng reaksiyon mo du’n?
LAUREN YOUNG: I told her about it naman. Sabi ko sa kanya, I have an intimate scene with Richard, pero kissing-kissing lang, hindi ko sinabi sa kanya ‘yung mas daring na part, yung tanggal-tanggal ng blouse tsaka yung bed scene.

Siguro lahat ng tao nagulat din doon. I think naman it was done tastefully. The only reason why she reacted that way is because I’m her younger sister at iniisip niya 14 years old pa rin ako, hindi niya alam 21 na ‘ko.

BANDERA: Sabi ni Megan, naunahan mo pa siyang gumawa ng mga ganu’ng klase ng eksena sa pelikula?
LY: Yes. She did some sexy scenes sa past teleserye niya, meron din siyang sexy photo shoot, naka-swimsuit. But ‘yun naman ang hindi ko kayang gawin, yung photo shoot like that. For me kasi, it’s more on the craft talaga.

That’s why I accepted ‘Overtime’, kasi kailangan naman ‘yun sa story, makikita mo naman na kung hindi ko ginawa ‘yun, namin ni Richard…kulang ‘yung storytelling.

BANDERA: Hindi mo kayang magpaseksi sa photo shoot, so hindi ka rin papayag na mag-pose ng sexy sa men’s magazine?
LY: I think now, I wanna say no to men’s magazine coz, pag gumagawa ka ng ganu’n, ang binebenta mo yung nasa loob e, yung content, ako kasi with what I do sa career ko, I don’t want to do things na in the future ikakahiya kong ipakita sa mga anak ko.

You don’t want your children seeing you pose sa sexy magazine with your naked body na naka-expose sa lahat.
I’m not against sa mga artistang gumagawa ng ganu’n, that’s their decision, but me personally, I don’t think kaya kong ipakita sa mga magiging anak ko yung ganu’ng material.

Kasi di ba, they talk about your sexlife, and that’s something na ayokong i-share sa ibang tao.

BANDERA: How about beauty pageants? Gusto mo bang sundan ang yapak ng ate mo sa pagiging Miss World?
LY: Like men’s magazine, ganu’n din ang pananaw ko sa beauty pageants. Right now, I don’t think I can do it, it’s more on a personal thing, like my sister, hindi siya sumali sa Miss World until na naramdaman niya na ready na siya and just like me, marami pa akong gustong ma-achieve before I proceed sa ibang bagay. Ayokong gagawin ko itong…like acting, na hindi ko ibibigay ang lahat-lahat just because meron pa akong inaatupag na ibang bagay.

So, you know if I feel that I’ve achieved enough in the line of showbiz and I’m happy with my career, in everything that I’ve done, maybe that’s the time that I’ll move on to another journey, like pageants. But right now, marami pa akong gustong gawin as an actress.

BANDERA: Kumusta ang relasyon n’yo ni Megan bilang mag-ate?
LY: Wala, normal. I mean, you know she’s still my older sister, I never treated her differently, binabara ko pa rin siya kapag nag-uusap kami. Okay, she had her duties as a beauty queen to her country and to the world, but she has her own world as a beauty queen and  also have my own world as an actress.

We have a very personal relationship as sisters, pero yung mga nangyayari sa amin sa loob ng bahay, sa amin na lang ‘yun. She’s like a mom to me. She’s four years older than me, so I think mas mature siya sa akin, mas experienced. She’s wiser than I am.

Kasi ako, may pagka-brat. Matigas ang ulo ko. Tsaka I’m more of a rebel than she is. I don’t listen sometimes. Siya ‘yung nagsasabi sa akin na,’ Will you please stop what you’re doing. Focus on more important side of things.’ Talagang pinagsasabihan niya ako dahil ayaw niyang makita na, I’m messing up with my life. She guides me.

BANDERA: Kumusta ‘yung buhay n’yo ngayon matapos maging Miss World si Megan?
LY: Mas simple na kami ngayon than we were two years ago, after she won as Miss World and doing all these charity works. We’ve learned to appreciate yung maliliit na bagay na dumarating sa amin dahil nakita niya, nakita ko kung paano mabuhay ‘yung ibang tao, kung gaano kahirap yung pinagdadaanan nila.

And we’re taking the time to be with each other now. Kasi in the future, magkakaroon din kami ng sari-sariling buhay. Tsaka may time rin kasi na naging independent ako and lived alone in my own condo. Megan lived with my brother, and my mom lived in the States. So, talagang hiwa-hiwalay kami.

Two years had passed, my mom is here again, then si Megan is like, here and after a few days nasa ibang bansa na naman, so, hindi magtagpo. Kaya pag dumating ‘yung time na lahat kami nandito sa Philippines, talagang sinusulit namin ‘yung oras na magkakasama kami.

BANDERA: Nag-aaway pa rin ba kayo ni Megan?
LY: We don’t fight na, we’re done with those petty quarrels. We’re mature enough para diyan. We both realized that there are better ways to settle things. Yung issues naman kasi, nagiging fighting lang, kapag ang isa, ayaw makipag-cooperate. Kami kasi, we try to understand each other. Hindi kami yung dakdak lang nang dakdak.

BANDERA: Ano’ng masasabi mo sa mga magkakapatid sa showbiz na nag-aaway in public?
LY: Lagay mo diyan, shakes head lang. Ha-hahaha! I don’t want to comment about that, it’s none of my business. I cannot even speak for them. But me and Megan, the reason why we never ended up fighting in public, is because we always choose to resolve them behind the camera.

You know, kasi we don’t want to bring stress to my mom, to my cousins, to our family. Honestly, whenever I have a problem, hindi ako nagtu-tweet. Anong pakialam ng mga tao sa problema ko, e, hindi rin naman sila makakatulong, di ba? I mean, you can only help yourself. Pag may isyu kami ni Megan, kami-kami na lang.

And what’s the point na ipo-post mo siya sa Twitter or FB? Mas magiging magulo lang. Kasi marami nang makikialam. Mas madaling maayos kapag kayo-kayo lang. Tsaka respeto lang ‘yun.

BANDERA: May lovelife ka na ba uli?
LY: Wala, e. Ayoko na!

BANDERA: How about your ideal man? Hindi mo pa siya nakikita?
LY: Siguro nakita ko na siya, hindi ko lang siya nakausap. Ha-hahaha! Hindi, honestly, ako kasi, kapag na-in love ako, I give so much, as in I give my all, like 100%.

Kasi what’s the point of committing myself, kung hindi mo ibibigay lahat? So, for me, to be able to have another serious relationship, I think it will take a long time para magkaroon ng trust, if you’re willing to give your all again.

To be in a serious relationship, that’s a commitment. And for me, gusto ko…you just have to be presentable, hindi naman yung dapat sobrang guwapo ka, basta yung kapag ipapakilala mo siya sa pamilya mo, they get the impression.

Makikita mo naman kasi kung marunong siyang mag-alaga sa sarili niya, kaya ka rin niyang alagaan. He has to be smart also, because if you’re not smart enough, how can I talk to you. How you will get to know a person kung hindi siya marunong makipag-usap. Understanding and caring also.

BANDERA: Sa pisikal, ano ang mas gusto mo, yung bad boy looking, o yung mukhang malinis?
LY: Meron kasing bad guy, pero mukha pa rin siyang malinis, parang Robin Padilla.

BANDERA: Ano’ng mas gusto mo, showbiz guy or non-showbiz?
LY: Mas gusto ko ang non-showbiz, kasi parang hassle kung from showbiz. Basta, non-showbiz na lang. Ha-hahahaha! (Ang huling na-link na showbiz guy kay Lauren ay si Elmo Magalona).

BANDERA: Talking about money, paano mo mina-manage ang kita mo?
LY: Actually, I’m really bad at managing my own money, hindi talaga ako marunong mag-budget. But last week, tinuruan ako ng ate ko kung paano mag-budget ng pera ko. Before, I would always eat out, I always shop, typical girl with money.

Kasi ako, OK lang yan, may laman pa ang savings account. Tapos kapag dumating na ‘yung bayaran ng bills, ayan na. Sana, hindi na ako bumili ng ganito, ng ganyan. Shucks! Ang kapal ng mukha kong manlibre minsan, tapos kapag bayaran na ng bills, wala akong maibayad.

That happened a couple of times, nauubos na yung pera ko, tapos wala pang trabaho, walang pumapasok sa savings account. Kaya tinuruan ako ng ate ko kung paano ang mag-manage. And it worked. I stay at home na lang kung hindi kailangang lumabas, nakakapag-ipon na rin.

BANDERA: Paano ka nagtatanggal ng stress?
LY: I eat a lot. Ha-hahaha! No, when I’m stressed, I keep it to myself. Like I rant a little. Madaldal kasi ako, e. Then, magkukulong ako sa kwarto and I like to read, go online, I watch my TV shows, something funny. Some people think I’m a party girl. But I’m not. I go out when I know na wala akong trabaho kinabukasan.

Pero kapag wala akong work, I hangout with my friends, DJs, they own clubs. I go there to support them, that’s their lifestyle, pero control ang magic word. I’m of legal age naman, I do drink, pero siyempre, dapat kontrolado mo. Pero hindi ako nagkakalat.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...